P R O L O G O
"Kung pag-asaý lulubog sa kawalan,
At babalutin ng takipsilim ang nararamdaman,
Kumapit sa ilusyon ng isang hangal,
Matatagpuan ang wagas na pagmamahal."
May dalawang bagay na nais isakatuparan ni Zatira Horin nang magpasya siyang tumakas sa kanilang kaharian at maglakbay patungo sa mundo ng mga mortal. Una, mapaibig ang taong bumihag ng kaniyang puso bago pa man siya maglalaho sa nakatakdang oras. Pangalawa, linisin ang kaniyang pangalan na may kaugnayan sa napipintong delubyo sa hinaharap -- ang pagbubukas ng lagusan sa pagitan ng dalawang mundo, ang Lupa at Kaluwalhatian.Doon sa siyudad ng Maynila ay magkukrus ang landas nilang dalawa ni Vincent Gaspar, ang binatang may itinatago ring lihim na may kaugnayan sa kani-kanilang tadhana.
Ang natatanging papel ng prinsesa laban sa mga tamawo, engkanto, at tambalan ay magiging daan upang matagpuan sa makabagong panahon ang diyosang may libu-libong mga mata.
Makakaya kaya niyang bumalik sa kaniyang pinanggalingan upang protektahan ang kaniyang nasasakupan kung nalalapit na rin ang kaniyang katapusan na siya rin mismo ang nagtakda?
***
T A K I P S I L I M
BOOK 2
BINABASA MO ANG
Dapit-hapon (#Wattys2016 Winner)
Fantasy🖤 PNY Novel Writing Contest Champion 🖤 Wattys2016 Winner Nang mabalitaan ni Yllaine Lumakin ang pagkamatay ng kaniyang lola sa tuhod, sinira niya ang pangako nitong kailanman ay hinding-hindi na magbabalik pa. Mistulang dapit-hapon na mala...