Chapter 14

27K 845 63
                                    

PAGDATING ng bahay, dumiretso agad si Nathan sa itaas. At ulupong niyang kaibigan sabik din na mga makita ang kanyang mga anak.

Napapaisip tuloy siya kung bakit hindi pa ito nag-aasawa, sa dami ba naman ng babae ng kaibigan, imposible yata na wala itong may matipuhan.

Tahimik ang buong kabahayan tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa daraanan niya patungo sa silid. May bahagi ng itaas na naka-glass wall lamang. Mayron itong katamtaman na terasa sa dulo na kung saan malayang mapagmasdan ang payapang kalangitan tuwing gabi.

Saglit siya na nagtungo roon upang lumanghap ng sariwang hangin sana ngunit isang pigura ang nabungaran niya, nakatalikod ito sa kanya. At taimtim na pinagmamasdan ang kadiliman na bumabalot sa paligid.

"What are you doing here? Bakit gising ka pa?"

Nagulat ito at mabilis na lumingon sa kanya. She touched her chest to calm. Naaninag niya ang mukha nito buhat sa mapanglaw na liwanag mula sa buwan.

"Uhm, hindi kasi ako makatulog."

"Bakit naninibago ka ba sa bahay na inabandona mo ng pitong taon?" Anya.

"H-hindi sa gano'n, hindi lang talaga ako makatulog."

Tinapunan niya ito ng blangkong tingin bago nilampasan.

"Nathan, pwede ba tayong mag-usap? 'yung wala sanang bangayan sa pagitan natin." ani Yza.

"Nag-uusap na tayo."

"I'm sorry for hiding from y---."

He raised hands to cut her sentence off. Looking at her emotionless.

"Your sorry is already 7 years late. The damage has been done, ginawa mo akong tanga! Oo, malaki ang kasalanan ko sa'yo, pero hindi ko matanggap sa sarili ko na pinalabas mong namatay ka nang araw na 'yun! Ipinagluksa kita ng pitong taon, nawala ang buhay ko sa loob ng mahabang panahon, dahil walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa'yo. Tapos isang araw makikita na lamang kita na akay-akay ang mga anak natin!"

Nawala na naman siya sa sarili at nasigawan ito. Fortunately, soundproof lahat ng silid sa bahay. Ayaw niyang magising ang mga bata dahil sa sagutan nila.

Umiyak si Yza sa harapan niya. Puno ng luha ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

"I-m, I'm so s-orry... Hindi ko sinasadya na na itago sa'yo ang lahat." She was shivering.

"Bullshit!"

Mariing sinabutunan niya ang buhok. Ang dibdib ay puno ng hinanakit sa babae.

Napaatras naman si Yza sa ginawa niyang pagsigaw. Sinawalang bahala niya pagmamakaawa nito ngunit ang totoo'y, unti-uniting nadudurog ang puso niya.

"Nathan please, magpapaliwanag ako makinig ka muna sa'kin, oh?"

He hardened his face.

"Your explanation has nothing to do, anymore. Save it." Akma siyang aalis nang yakapin siya ni Yza mula sa likod.

He stiffened when the familiar warm of her skin electrified him.

He had been longing for it for a long time but still managed to remain calm. He won't give her a hint that he was nervously affected of what she was doing.

Kinalas niya ang mahigpit nitong mga braso na nakayakap sa katawan. Patuloy ito sa pag-iyak at humihingi ng tawad.

"Not now, Yza. Kaunting panahon pa, hayaan mo muna ako na patawarin ang sarili ko bago ko ibigay ang hinihingi mo." Anya sa isip.

Shattered Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon