PAGKATAPOS manggaling kay Kalix. Dumiretso si Yza sa tapat ng gusali kung saan si Nathan ang nagmamay-ari at CEO ng kompanya. The building was huge and has an elegant design, it consists 40 floors kaya naman kapag nasa loob ka ng opisina nito makikita ang pinakamagandang tanawin, iyon ay ang buong siyodad.
Wala siyang ideya kung nasa loob ang tatlo. Nagbakasakali lamang siya na naroon ang mag-aama niya.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang resto kung saan ito ay nakaharap sa gusali. Kaya naman, kitang-kita niya ang labas masok na mga empleyado.
She was patiently waiting na sana makita ang tatlo.
Didn't leave an eye from the exit, umaasa na matanaw ang mag-aama miya. Nangalumbaba siya. Mapaklang natawa sa isipan, kompleto nga sila pero para naman siyang hangin.
Umangat ang ulo niya nang sa wakas ay matanaw ang tatlo, papalabas.
Nabuhayan siya ng loob ngunit nalaglag din ang balikat nang makita na hindi lamang ang tatlo ang lumabas. May kasamang babae si Nathan na nakakapit pa sa braso nito. Nasa magkabilang gilid ang mga bata, si Nate na hinahawakan ni Nathan si Kate na hinahawakan naman ng babae.
Nanlumo siya sa kina-uupuan, nanghina ang mga tuhod niya. Pinanghinaan siya ng loob sa isiping may ipinalit na si Nathan sa kanya.
They were a perfect picture of a perfect family, masaya ang mga ito. Nagtatawanan habang nakatayo sa labas, may mga taong napapagawi ng tingin sa kanila. She envy that beautiful scene. Nahiling niya na sana siya na lang ang nasa posisyon ng babae.
Her tears, fell in silent on the cheeks as she watching them. Sumakay ang mga ito sa kotse ni Nathan.
Pinigilan niya ang sarili na sundan ang mga ito. Baka hindi niya makayanan at mag-break down pa siya.
She had enough pain for the day. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sama ng loob. Nais niyang sumigaw, hanggang lumuwag ang dibdib.
Pagkaalis ng sasakyan ay lumabas na rin siya ng resto. Sumakay ng taxi at nagpahatid sa dati nilang tirahan ng mga bata. Doon siya magpapalipas ng oras.
Kailangan rin niya tumakas sa sakit kahit na ilang oras lang. Pumikit siya at humugot nang malalim na paghinga.
"YOU HAVE a wonderful twins, Nathan. Ang swerte mo mayro'n ka nang mga anak." Masayang sabi ni Hailey.
Sinulyapan naman ni Nathan ang mga anak sa backseat na naglalaro ng kanya-kanyang laruan.Ibinalik niya ang pukos sa pagmamaneho.
Ngumiti siya sa sinabi ni Hailey at sumulyap rito.
"Thanks. They are the best thing na nangyari sa buhay ko." Anya na nakangiti. "kayo, kailan niyo balak magka-anak?"
Hailey sighed.
"Gusto na nga namin magka-anak kaso hindi pa talaga siguro ang tamang oras."
"It's okay, magkakaroon din kayo. Masaya kapag mayroong anak. Kita mo ang dalawang 'yan? They are my stress reliever after a long stressful day." He said proudly.
"Yeah, I hope so, soon. Nakakainggit ka mayron ka nang dalawa."
Isang malugod na ngiti ang isinukli ni Nathan sa kaibigan.
"Nakilala ko na ang mga anak mo. How about your wife? When can I meet her? Don't tell me tinatago mo, c'mon, Nathan don't be so possessive."
"Soon, I will introduce you two. She's just kinda busy right now, kaya hindi siya nakasama sa amin." He lied.
Hanggang kailan ba niya iiwasan si Yza? Pareho lang silang nahihirapan. Minsan nais niyang kastiguhin ang sarili dahil sa mataas na pride.
Hindi sa inilalayo niya ang mga bata sa ina. Gusto lamang niya makabawi sa mga anak. Gusto niyang punuan ang maraming taon na wala siya sa tabi ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Shattered Wife (Completed)
RomanceWelcome to hell wife,brace yourself. I'll make sure you're going to pay your debt with your heart, body and soul. -Warren Nathaniel Gamboa. Hanggang kailan mo kayang tiisin ang pagiging isang asawa kung sa bawat araw ay puro pasakit ang kinakaharap...