Chapter 13

27.7K 816 53
                                    

Tumigil ang sasakyan ni Nathan sa tapat ng isang pamilyar na bahay. Kung gano'n doon pa rin pala ito nakatira-sa bahay nila.

Doon sila dumiretso pagkatapos makuha ang ilang gamit ng mga bata.

Iginala ni Yza ang paningin sa kabuoan ng bahay. Walang ipinagbago. Kung ano ito dati ngayon ay gano'n pa rin.

"We're here kids." Untag ni Nathan sa mga bata na nasa backseat.

Ngunit walang may sumagot, nilingon ni Yza ang mga anak. 'Yun pala ay tulog ang dalawa.

In her peripheral vision, nakatingin din si Nathan sa mga bata.

Bumaba ito at binukasan ang pinto para kargahin sana ang dalawa.

"Ako na magbubuhat kay Kate." Agaw niya.

Bahagya lamang itong lumingon sa kanya saka tumango.

She took a deep breath, bago pumasok ng bahay. Nakasunod siya kay Nathan.

The setting of furnitures were still the same. Nothing's changed. Unti-unting bumabalik lahat ng ala-ala ng kahapon, kung saan palagi siyang umiiyak. Nagmamakaawa sa lalaki at nagtitiis sa pananakit nito. At ang sandaling panahon na naging mabuti sa kanya si Nathan. 'Yung mga panahon na akala niya ay okay na sila. Panahon na unti-unting naramdaman niya na mayroon pala siyang halaga sa lalaki. Pero lahat nang 'yun ay naglaho rin bigla, marahil ay kathang isip lamang niya.

Bumalot sa dibdib ang halo-halong emosyon nang ilibot niya ang paningin sa paligid.

Hindi niya alam kung bakit mas pa rin pinili ni Nathan manirahan sa bahay, gayong pwede naman nito na ibenta na lang.

Umakyat ito sa itaas, sumunod naman siya habang mahimbing na natutulog si Kate sa balikat niya.

May apat na silid ang ikalawang palapag, iyong isa silid ni Nathan. Nasa opposite side nito ang silid ginagamit niya noon at ang dalawang guest room.

"Ako na ang bahala sa kanila, salamat." Untag niya rito matapos mailapag ang dalawang bata sa higaan.

Nanatiling nakatayo si Nathan at mataman na pinagmasdan ang dalawa na may pangungulila sa mga mata.

Silence enveloped them. She was afraid to talk to him, afraid to explain her side.

"I-im so s-sorry, Nathan." She said while stammering.

Trying to be normal in front of him when in fact she was already shivering inside.

He looked at her with unreadable expression. "Your sorry has been 7 years late. Do you think saying it to me now, everything will going to be alright as fast as how you said it?" Mahina ngunit madiin na bigkas nito, puno iyun ng pait at sakit.

"Don't you know how miserable my life was? Thinking that you were gone away? Pinagluksa kita sa loob ng pitong taon, tapos makikita kong buhay ka pala with our kids. You lied to me for 7 effin years, Yzabella." And with that he stormed out the room. Didn't give her a chance to explain further.

Nanghihina siyang napaupo sa gilid ng kama. Tahimik na umagos ang mga luha niya habang nakamasid sa dalawa.

Naintindihan niya ang nararamdaman Nathan. Nasasaktan ito sa mga nalaman. Sisikapin pa rin niya na magpaliwanag. Sa ngayon, alam niyang sarado pa ang isipan ng lalaki. Bibigyan muna niya ito ng sapat na oras bago kausapin.

Inayos niya ang mga gamit nila. Kaunti lamang ang dala niya dahil sa pagmamadali kanina. Ipinasok niya iyon sa cabinet. Napangiti siya, malinis ang silid at mga kagamitan. Hindi niya naisip na panatiling gano'n ni Nathan ang bahay nila.

Shattered Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon