Letter #1

2.2K 29 3
                                    

Copyright © 2013 Yeppeun

30 Days Letters | Short Story | Complete

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

•••

Aug. 17, 2013

Boo,

          Hello Ryan! Uunahan na kita, pangit ang sulat ko, pangit ang tinta ng ballpen ko. Hehe, sorry kung pangit din ng papel na ginamit ko. Biglaan kasi ito wala akong magawa kaya susulatan kita. Pero hindi ko naman alam kung maibibigay ko sayo ang sulat na ito.. Pero kung maibigay ko 'man sana ingatan mo, wag mong itatapon huh? Hihi.

Oo nga pala, may aaminin ako sayo. Naalala mo ba 'nung nagkasabay tayong pumasok sa P.E class? Siguro hindi mo ako napansin noon... At mukang hanggang ngayon hindi mo pa rin ako napapansin. Una pa lang kita nakita crush na kita. Crush na crush kita! Ayie! Smile ka naman! Lagi kasi kitang nakikita na naka-simangot. Hehe.

Sige, hanggang dito na lang muna ang sulat ko sayo atleast inamin kong crush kita: Hehe. Bye! Ingat ka Boo!

P.S: Bakit Boo ang tawag ko sayo? 'Yun kasi ang nickname mo sa'kin 'nung hindi ko pa alam ang pangalan mo.

P.PS: Tatlong araw na pala ang practice natin. Makikita kita ng tatlong araw Boo! Hihi! Sana pala HRM na lang ang course ko, kung sakali siguro magiging blockmate kita. Sayang! Haha.

Love,
B.

30 Days LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon