Aug. 30, 2013
Boo,
Susulatan kita pero si Baby Blue Bag muna ang ikukwento ko sayo, dapat kasi susulatan ko sya kaso 'Boo' ang nailagay ko, wala naman na akong extrang papel kung babaguhin ko pa kaya naman ikaw na lang ulit ang susulatan ko.
Secret lang natin 'to huh? Isipin mong hindi ako ang nag sulat nito. Haha! Para namang mababasa mo ang mga sulat ko sayo. Hihi. Dibale, ibibigay ko rin ang lahat ng ito kapag naging handa na ako.
Alam mo bang kaibigan ng blockmate ko si Baby Blue Bag? Haha! At nalaman ko na ang pangalan nya narinig ko kasing tinawag syang... Renz. Mapang-asar yata ang tadhana, letter R din ang start ng name nya, hehe. Baka kayo naman ang destiny o soulmate? Haha! Joke lang!
Tinanong ko sa blockmate ko kung may girlfriend ba si Renz, pero sabi nya wala naman daw at inasar pa ako! Sabi nyang ilalakad nya daw ako doon! Haha! Ang pangit tignan kung ako pa mismo! Haha. Pero sa totoo lang kinikilig ako! Hahaha.
Sige Boo! Hanggang dito na lang matutulog na ako! Hihi. Good night!
Kinikilig na babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?