Letter #21

223 7 0
                                    

Sept. 6, 2013

Boo,

         Tama nga ang hinala ko.. Gustong manligaw ni Renz sa'kin. Boo, ito 'yung pinapangarap ko.. 'Yung manligaw 'man ang isa sa inyo, ito 'yung gustong-gusto kong mangyari noon pa 'man... Pero pwede ko bang bawiin 'yon? Ang hirap pala, ang hirap-hirap ng ganito.. Sinabi ko kay Renz na pag-iisip ko muna, kasi kaka-kilala ko lang sa kanya, hindi ko alam kung sigurado ba sya sa nararamdaman nya, sabi pa nya sa'kin matagal na daw nya akong gusto, matagal na daw nya akong nakikita pero natotorpe daw sya buti na nga lang daw blockmate ko ang kaibigan nya. Pero Boo, nararamdaman ko naman na gusto talaga ako ni Renz...

Boo, naguguluhan na ako.. Tulungan mo naman ako please? Ayokong sabihin kay Renz na ayokong mag paligaw sa kanya, gusto kong sabihin na pwede syang manligaw... Pero paano ka?

Narealize kong mas maganda at masaya pa lang tignan na lang kayo sa malayo, mas okay pala na hindi na lang ako nag-eexist sa buhay nyo. Mas okay pala ang dati... 'Yung hanggang tingin lang talaga ako.. Sana bumalik na lang sa dati ang lahat para hindi ako nahihirapan ng ganito...

PS: Ang bilis ng pangyayari.. Panaginip lang ba ito?

Naguguluhang babae,

B.

30 Days LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon