Sept. 11, 2013
Boo,
Pinipigilan kong hindi ka sulatan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang hirap pa lang pigilan ang naka-sanayan na. Hehe!
Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Renz kanina, hindi nya talaga ako binibigo sa mga surpresa nya. Nanligaw sya dito sa bahay, kahit si mama at papa nililigawan nya. Hindi ko inaasahan na gagawin nya 'yon, napaka-seryoso nya talaga sa'kin.. Ang bait-bait nya, ibang-iba sya sa lahat. Akala ko wala akong mahahanap na tulad nya. Siguro lahat tayo may kanya-kanyang true love. Kung hindi ko 'man true love si Renz, gagawa ako ng paraan.. Ayoko sa iba, gusto ko sya lang ang true love ko.
Kaya ikaw Boo, makakahanap ka rin ng true love mo! Hehe. Ingat ka lagi! Wala naman akong ibang gustong sabihin.. Hindi ko lang talagang kayang pigilan ang sarili kong hindi ka sulatan.
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?