Aug. 23, 2013
Boo,
Kaninang pag sakay ko sa Jeep may naka-sabay akong pogi na taga-FEU! Hihi! Ang cute-cute nya! Tapos may dimple pa ang lalim! Grabe Boo, napatitig ako sa kanya. Nakakahiya nga kasi nakatitig din sya sa'kin! Hahaha. Hoy! Baka nag-seselos ka? Hihi! Ang kapal ko naman ano? Eh hindi mo nga ako crush! Haha.
Hindi kita nakita sa campus kanina, miss na miss na agad kita! Kulang na lang humaba 'yung leeg ko sa kakalingon sa paligid kung nandoon ka.. Dibale, baka bukas makita na kita! Hihi.
P.S: Nag-post ka sa group ng UM Freshmen kanina tapos may tinag kang babae, sino si Michelle?
P.PS: Nag-seselos ako..
Nag-seselos na babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?