Aug. 25, 2013
Boo,
Dahil wala kaming pasok ngayon ikukwento ko na sayo 'yung panaginip ko. Hihi! Sa totoo lang nangingiti ako habang sinusulat ko ito. Eh kasi naman nakaka-kilig 'yung panaginip ko. Haha! Hinahalay mo daw ako! Joke lang! Haha. Ang landi ko ba? Hihi. Sensya naman baliw lang talaga ako sayo! Hihi. Napaginipan kita kagabi, dinalhan mo daw ako ng chocolate at flowers sa classroom namin, tapos hindi ko maintindihan pero bakit parang malungkot ako sa panaginip ko? Tapos alam mo ba pag gising ko may luha sa mata ko... Hindi ko alam kung bakit.. Siguro kasi kahit sa panaginip alam kong hindi mangyayari 'yun, siguro hanggang panaginip lang talaga at kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi mo talaga ako mapapansin. Pero kahit na ganon masaya pa rin ako kasi napaginipan kita!
May isa pa pala akong kwento sayo Ryan! Meron akong nakitang pogi, HRM din yata ang course nya. Hehe, kilala mo ba sya? Haha. Tapos ang bait pa nya kasi nakita kong binigyan nya ng pagkain 'yung batang nanghihingi sa kanya. Grabe, para bang kuminang 'yung mata ko 'nung nakita ko 'yon! Hihi.
PS: Crush ko na rin yata sya! Naka-blue bag sya. Kaya Baby Blue Bag tawag ko sa kanya. Hihihi!
P.PS: Sana kung maibibigay ko ang sulat na ito sayo, sana... Mag-selos ka...
P.P.PS: HAHAHA. Hindi ko pa rin makita 'yung isang letter ko sayo.
Umaasang babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?