Aug. 27, 2013
Boo,
Hayyss. Ano bang ikukwento ko sayo sa araw na ito? Wala naman kasing masyadong nangyari bukod sa nakita ko kayong dalawa ni Baby Blue Bag na mag kasama. Napapabuntong-hininga ako habang sinusulat ko ito, hindi ko kasi alam kung kanino ako unang titingin sa inyo, hindi ko alam kung kanino ako unang kikiligin sa inyo at ang masaklap mukang mag kaibigan pa kayo.
Hindi naman tayo diba? Wala tayong relasyon, hindi mo ako nililigawan, crush lang naman kita pero iba 'yung feeling ko... Para kasing pinagtaksilan kita. Nakaka-inis ako 'no? Kung mababasa mo ang sulat na ito at kapag nakita mo ako paki batukan naman ang sarili ko para matauhan na ako sa mga kahibangan na ginagawa ko...
Hays, gulong-gulo na ako. Ang hirap pa lang mag kacrush. Nakakabaliw kaka-isip...
PS: Masakit 'man tanggapin kahit na mag kasama kayong dalawa, kay Baby Blue Bag ako unang napatingin.
P.PS: Anong ibig sabihin 'nun? Nagiging #2 crush na ba kita?
Naguguluhang babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?