Sept. 12, 2013
Boo,
Nakita kita kanina Boo! Hihi. Bakit parang nag iba yata ang itsura mo? Normal lang na lagi kang naka-simangot pero bakit ganon? Bakit parang may lungkot sa mga mata mo? Okay ka lang ba? May problema ka ba? Nalulungkot din tuloy ako... Nagtataka nga si Renz kanina kung may sakit daw ba ako. Hays, dapat ngayon ko na sya sasagutin.. Alam kong mabilis pero hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon. Kaso malungkot ako ngayon, kaya siguro sa susunod na lang.. Mag-iingat ka lagi Boo!
PS: Nagkatitigan tayo kanina.. Ang lungkot talaga ng mga mata mo.
Lubos na nag-aalalang babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?