Letter #25

222 6 0
                                    

Sept. 10, 2013

Boo,

         Nag-tataka ka ba kung bakit sinusulatan pa rin hanggang ngayon? Kahit ako nag-tataka rin. Hindi ko alam kung bakit.. Siguro naging routine ko na ito bago matulog. Hays, ititigil ko rin 'to darating din 'yung araw na titigil na ako sa pag susulat sayo. Binasa ko lahat-lahat ng sulat ko sayo, nangingiti ako, masaya... Pero malungkot din. Akala ko kasi may pag-asang maging tayo. Pero siguro nga iba ang mga naka-tadhana sa'tin. Siguro hindi tayo para sa isa't-isa at talagang hanggang strangers lang tayo. Hindi ko pa rin lubos maisip na kay Renz ako babagsak, akala ko kasi sayo... Akala lang pala 'no? Hehe. Pero Boo, crush pa rin kita! Hihi. Pero hindi na tulad ng dati na sobrang baliw na baliw ako sayo, siguro 'yung tamang crush lang, isang normal na crush.. Hindi naman masama 'yun diba? Iba ang mahal ko at si Renz 'yun, at ikaw naman ang crush ko.

Hindi ko pa nasasabi kay Renz na mahal ko na sya, siguro sa tamang panahon at oras na lang. Mas lalo syang nagiging sweet, mas lalo ko sya nakikilala. Matatag syang tao.. Wala na pala ang parents nya, silang dalawa na lang ng kapatid nya. At kanina ko lang nalaman na isang working student pala sya.. Hindi ko alam kung paano nya na babalance 'yung oras sa pag-aaral, trabaho at lalo na sa'kin...

Hays, kamusta ka na ba? Parang napapansin ko kasi na puro si Renz na lang ang naiikukwento ko sayo, siguro kung mababasa mo 'to hindi mo na itutuloy basahin dahil nakaka-irita na ang mga sinasabi ko. Haha! Sige Boo, nag-text sa'kin si Renz matulog na daw kami. Good night Ryan!

B.

30 Days LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon