Sept. 8, 2013
Boo,
Hindi ko inaasahan ang araw na ito, nag date kami ni Renz! Haha! Nag laro-laro kami sa quantum. Alam mo 'yung kukunin ang isang bear? Hihi. Hindi nya magawa 'yon, halos lahat ng token namin na ubos dahil lang doon. Pero hindi sya sumuko, kahit daw maubos ang allowance nya okay lang daw basta makuha lang nya 'yung gusto ko. Alam mo bang ngayon lang may gumawa sa'kin non? Nagkaroon ako ng mga ex-boyfriend. Pero hindi naman nila ginawa 'yun, 'yung tipong gagawin nya lahat para lang sa gusto ko. Grabe, kakaiba talaga si Renz, he's very different... Sabi pa nga ng babaeng nasa token booth bagay na bagay daw kami tapos medyo daw hawig. Sobrang kinikilig ako, kasi sabi daw nila kapag hawig mo ang taong gusto mo destiny na raw kayo. Hindi 'man ako naniniwala sa destiny... Pero susubukan kong maniwala.
Ang sarap kasama ni Renz, kakaiba talaga sya... Hindi sya 'yung ideal guy ko.. Pero lubos-lubusan sya sa iniisip ko. Ang saya-saya ko ngayon. Sabi pa nya mag hihintay daw sya kahit gaano katagal. Hindi 'man sya vocal, hindi 'man nya araw-araw sinasabing gusto nya ako at isang beses lang nya 'yun sinabi sa'kin. Pero sa pinapakita at galaw nya.. Para bang napaka-espesyal kong tao sa mundo... Para akong prinsesa.
PS: Bago nya ako ihatid sa jeep kanina, binulungan nya ako ng "I love you."
Masayang babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?