Letter #3

365 12 2
                                    

Aug. 19, 2013

Boo,

          Grabe kanina! Para akong nasa langit! Haha. Dumaan ka sa gilid ko. Pakiramdam ko tatalon na 'yung puso ko sa sobrang kilig. Hehe, kahit hindi mo ako napansin.

Kelan mo kaya ako mapapansin? Kapag kumembot ako sa harap mo? Kapag nahimatay ako sa harap mo? Pero kahit siguro anong gawin ko hindi mo ako mapapansin.. Bakit kaya ang unfair ng mundo? Buti pa 'yung iba crush sila ng crush nila o di kaya nagiging sila ng crush nila. Pero bakit tayo.. Parang malabo mangyari?

Hayyyys..

Sa tuwing nasa LRT at Jeep ako, iniimagine kong kasama kita at hawak ang kamay mo. Haha! Ang landi ko lang diba? Hahaha. Pasensya na crush na crush talaga kasi kita!

Sana naman wala kang girlfriend.. Sana wala kang nililigawan, sana single ka! Hehe.

PS: Lagi kitang iniistalk sa FB! Hihi.

P.PS: Madaming bura sa dalawang sulat ko sayo, tinanggal ko kasi 'yung mga sad face at smiley. Haha! Napaka-jeje kasi at baka maturn-off ka. Kaya paheartshape-heartshape na lang ako mas kyot pa, kasing kyot natin! Hahaha.

Kyot na babae,

B.

30 Days LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon