Sept. 3, 2013
Boo,
Wala kaming pasok ngayon, buong araw at gabi kong katext si Renz! Hihihi. Alam mo ba 'yung feeling na dati-rati umaasa lang ako na makilala ni Renz, 'yung tipong kahit hindi na kami maging mag kaibigan basta't alam lang nya na nag-eexist ako sa mundo... Pero ngayon full package na yata! Hahaha! Naging mag kakilala na, naging mag kaibigan at ngayon naging mag textmate. Ano pa ang susunod!? Hahaha! Kinikilig talaga ako ng sobra, tapos ang lakas ng sense of humor nya! Sa bawat text nya natatawa ako! Haha. O baka naman kinikilig lang ako? Hihihi. Ikaw kaya? Malakas din ba ang sense of humor mo? Kasi parang napaka-seryoso mo. Haha!
Sa buong araw at gabi kaming mag katextmate pinag-usapan namin 'yung tungkol sa lovelife! Hahaha. 'Yun talaga ang pinaka-favorite topic ko sa lahat! Halos mangisay na yata ako sa sobrang kilig! Hahaha. Tinanong nya ako kung may boyfriend daw ako, sempre sabi ko naman wala. Tapos tinanong ko rin sya kung may girlfriend sya sabi naman nya wala rin daw! Hihihi! Pumapag-asa yata! Hahaha! Madami pa kaming pinag-usapan, 'yung tipong walang sense pero sa bawat letra ng message nya kinikilig ako ng bongga!
PS: Bukas mag bibigay ako ng topic, at mag tatanong ako sa kanya tungkol sayo! Hihihi.
P.PS: Sabi nya sa last text. "Good night! Tulog ka na huh? Hehe. :* Saranghae!" Ano ba ang ibig sabihin ng saranghae? Salitang alien ba 'yan?
Sobrang kinikilig at medyo naguguluhan na babae,
B.
BINABASA MO ANG
30 Days Letters
RomanceAng malanding liham para kay crush. Sorry kung pangit ang handwritten ko at HBW lang ang ballpen ko. PS: Pwede bang ibigay mo ang sulat ko kay Boo?