Chapter 1: Real quick

35 2 0
                                    

Sam's POV

Masaya naman kami dati pero bakit ganun? Bigla na lang nanlamig?.
Okay naman kami dati ah pero bakit ganun?
Bigla na lang nawala?..

Hayyy.buhay nakakabobo talaga minsan.
Asan ako?
Andito sa dulo ng classroom,sa isang sulok malapit sa bintana. Tinotorture ang sarili sa panunuod ng mga nangyayari sa labas. Especially sa kanila.

I'm Shopie Andrea Mae Fuentabella, Sam for short.17 years old. 4th year highschool in Heartwood University. Physically and mentally broken right now..

"I love you Monic"

"I love you too Mark"

Parang kailan lang ako pa ang sinasabihan niya ng mga katagang yun.Bigla na lang nabasa ang pisngi ko. Agad akong napahawak sa mainit na likidong dumadaloy mula sa mata ko. Luha. Kelan ba ako huling umiyak?last night?last hour?or last minute? Letche! BAkit kasi hanggang ngayon hindi pa din ako sanay na makita silang dalawa. Its been fucking five months! At kelan ba mauubos ang pesteng luha na ito.

Iniwas ko na lang ang paningin ko sa dalawa na ngayon ay magkayakap na. Haist! Sira na naman ang araw ko. Maya maya biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang recess time. Isa isang nagsipasukan ang mga kaklase ko. Hanggang sa pumasok na ang tatlong chakadoll,paniguradong mangugulo na naman to.

"Oh!Look who's here? The pathetic loser." Maarteng wika ni Nika.

"Pwede ba Nika,kung wala kang magawa sa buhay wag ako ang pagtripan mo." Walang gana kong sambit sa kanya.

"At sino ka naman para pagsabihan ako kung anung gagawin ko? Your such a crying baby. Tingnan mo nga yang mata mo pulang pula at sigurado ako na umiyak ka na naman dahil kay Mark"

Gusto ko syang sampalin,sabunutan tadyakan at lahat na dahil naiinis na ako pero alam ko namang tama sya i'm such a crying baby. Bakit kasi ang hina hina ko kapag sya na ang pinag uusapan?

"Alam mo kasi Sam, sampalataya din ako sa katangahan mo e. Anung akala mo na kapag umiyak ka dyan babalikan ka pa ni Mark? In your dreams."Nagroll eyes pa ang bruha.If I know may gusto lang din sya kay Mark. Hindi ko na lang sya pinansin at umub ob na lang sa desk ko.Pero agad din akong napatayo ng may humila sa buhok ko.

"Bastos ka ah! Kinakausap pa kita! Napakapanget mo na nga, napaka wala mo pang kwenta! Siguro kaya ka pinagpalit ni Mark sa bestfriend mo. Wala ka kasing kwenta!"mabilis nyang binitawan ang buhok ko. Sabay upo sa kanyang upuan habang nakikipagtawanan sa mga alipores nya..

"Grabe Nika ang epic ng mukha nya kanina. Para syang iiyak namatatae.hahahaha"

"I know right."

Mag uusap usap na nga lang kailangan marinig ko pa?Hello ako kaya pinag uusapan nila. Tumayo na lang ako sa pagkakasalampak ko sa sahig dahil sa biglaang pagbitaw ni Nika sa buhok ko kanina. Feeling ko umawang na ang buhok ko sa anit. Ang sakit e.

Napatingin ako sa mga kaklase kong nandito na, at lahat sila nakatingin sa akin.Grabe naman ung mga tingin nila. May araw din kayo sa akin.Ok Sam Breath in, Breath out. Kahit masakit ang sinabi ni Nika at pati paghablot nya sa buhok mo kaya mo yan. Wag kang iiyak. Hooo!

Nang medyo ok na ang pakiramdam ko biglang pumasok ang dalawang tao na halos isumpa ko na. Ang saya saya nila samantalang ako?nevermind.

Kasunod nilang pumasok ang titser namin. Good. Para naman mawala na ang atensyon ko sa kanila.

After........nshjakxbxuaa
Tengene,bakit ndi ko pa din maialis ang paningin ko sa kanila?

Dati ako yung katabi nya sa classroom,pero ngayon iba na.
Dati ako yung lagi nyang kinukulit kahit nasa harapan lang namin si Ma'am,pero ngayon iba na.
Dati ako ang mahal niya,pero ngayon iba na at masaklap pa yung bestfriend ko pa. Ex bestfriend pala.

Talaga nga namang REAL QUICK.....

-------------------------------

Oh lalala
Sorry sa mga typos,wrong grammar at spelling dyan..

Hope yah like it.

-prettymhineee

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon