Chapter 13: Pain From The Past

9 0 0
                                    


Sam's POV


Absent kahapon si Ace. Hindi ko alam na sya pala yung pinag uusapan na si Ice Ezekiel Zantresz.I wonder why they call him Ace. Bakit hindi na lang Ice diba? O kaya Kiel? Ewan ko ba. Pampagulo lang ng utak yun. Masyadong papampam.

At dahil absent sya kahapon naging peaceful ang buong araw ko. At sa sobrang peace naging boring na.

Naglalakad ako sa school ground ngayon dahil wala naman kaming klase. May meeting daw mga teacher. Kinuha ko na ang pagkakataon na to para malibot ang Bluemint Ice Academy. Mag iisang linggo na ako dito pero hindi ko pa masyadong alam ang pasikot sikot dito.

Nasaan na kaya ang dalawa? Bigla na lang nawala pagkatapos mag announce na wala daw klase. Mag isa tuloy akong naglalakad ngayon.

Napadpad ako sa likod ng Blue wing building. Kumislap ang mata ko sa pagkatuwa ng makita ko ang lugar. Perfect place to relax.

May green grass tas may puno sa gitna na pwedeng silungan. May ganito pa lang lugar dito. Mukhang magandang tambayan to. Tahimik at hindi nadadaanan ng mga estudyante. Next time dadalhin ko ang dalawa dito. O kaya naman dito na lang kami tatambay at kakain. Perfect idea right?

Umupo ako at sumandal sa puno. Kakapagod din palang maglakad. Pumikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin. Ganito din kaaliwalas ang araw noon ng unti unting binalot ng kadiliman at pagkamuhi. Naalala ko pa.



FLASHBACK......

Maganda ang sikat ng araw para sa magandang simula. Excited akong naligo at nag ayos.

Today is a very special day. It's our 3rd anniversary being in relationship. Kahit medyo nagtatampo ako sa kanya nitong mga nakaraang araw dahil wala sya masyadong time,okay lang. Hindi pa din nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

I'm planning to surprise him in his condo. Dapat katulong ko ang bestfriend kong si Monic sa pagpaplano ng lahat ng to but then palagi siyang MIA,missing in action. Ewan ko ba kung saan lagi nagsususuot ang babaeng yun. Palagi na lang nagmamadaling umalis.

Since hindi ko mahagilap ang bestfriend ko ako na lang ang nagplano lahat.Para less hassle, I already bought yesterday what I need.

Pakanta kanta pa ako habang bumaba ng hagdan. I'm inlove and definitely in the mood.

"Oh anak, ang ganda ata ng gising mo ah." Bati ni Yaya Mina.

"Oo naman Yaya, anniversary namin e." Kindat ko.

"Oh sya sya, paalis ka ba iha? Wala pa si Kanor at pinapalinis pa ang sasakyan."

"Naku okay lang po. Mamaya pa naman po ako aalis. Siguro naman po nandito na si Mang Kanor mamaya. By the way Yaya can you help me to cook? Ipagluluto ko po kasi si Mark." Nakangiti kong saad.

"Oo naman. Mga kabataan nga naman kapag nainlove." Pailing iling pa si Yaya Mina.

"Yaya naman parang hindi naman kayo nagdaan sa ganyan." Nahihiya kong sabi.

"Naku bata ka! Halika na sa kusina at umpisahan na natin yang lulutuin mo"

"Thanks Ya."

Masayang masaya ako habang tinutulungang magluto ni Yaya. Dapat lang masarap to di ba sabi nila masarap daw ang luto kapag may kasamang pagmamahal. Yeeiiihh! Excited na tuloy akong makita ang reaksyon nya kapag natikman nya ang niluto ko.

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon