Chapter 15: Adventure

8 0 1
                                    

SAM POV

"RUN FOR YOUR LIFE SAAAMMMMM!!!" SIgaw ko sa sarili ko.

Kanina pa akong nakikipag taguan at habulan sa mga panget nato! Nyemas! Para kaming naglalaro ng tagutaguan at patintero.

Hinihingal na ako pero gora pa din sa pagtakbo. Ayaw ko pang mamatay no.
Kung may hika siguro ako kanina pa akong nakabulagta dito sa daan.

Lumingon ako sa likod at talaga nga namang hinahabol pa din ako ng mga ito. Bakit kasi naisipan ko pang maglakad pauwi? Yan tuloy napagdiskitahan pa ako ng mga nakahithit dyan sa kanto! Mga adik! Nyemas!

"LAGOT KA SAMIN PAGNAABUTAN KITA!!" galit na galit na sigaw ni panget.

"Lalalala... TALK TO MY HAND ASSHOLEEEEEE!!!" iniharap ko pa sa kanila ang kamay ko habang sumisigaw.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Lumiko ako sa isang kanto pero agad din akong napatigil ng may humintong sasakyan sa harap ko.

'Wow! Ganda! Astig!' Manghang sabi ko sa isip habang nakatitig sa mamahaling sasakyan.

"Hop in." plain at walang kabuhay buhay na sabi ni.....

"Ace??" Wala sa sariling bigkas ko. Shet! Bakit nandito to?? Takang tanong ko.

"Tsk." Napatingin ako sa kanya pero agad nabaling ang atensyon ko ng may sumigaw sa likod ko.

"MAKAKATIKIM KA SA AKIN BABAE KA!"
Oh shit! Bigla akong kinabahan ng makitang papalapit na sila sa akin. What to do?

Napapitlag ako ng may humila sa kamay ko papasok ng sasakyan.

Bakit ko nga ba nalimutan na nandito sya? Ang gaga mo talaga Sam.

"What the h--" hindi ko na naituloy ang pagrereklamo ko ng paandarin nya ng mabilis ang sasakyan.

Oh shit! Mahigpit ang pagkakapit ko sa upuan at madiin na nakapikit. Ayaw ko pang mamatay!! Madami pa akong pangarap!

"Will you please slow down! AYAW KO PANG MAMATAY!!!" kinakabahang sigaw ko habang nakapit. Shit! Shit! Another shit!

Nagtaka ako ng walang sumagot. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. And tenen...........

Nakatigil na pala ang sasakyan at wala na pala akong kasama sa loob.

"Another shit Sam, ang tanga mo!"

Gaano na ba ako katagal nakapikit? Bakit di ko man lang naramdaman na tumigil na pala kami? At ang walanghiya wala man lang balak tawagin ako.

Iginala ko ang paningin ko at nasa harap pala ako ng mamahaling restaurant. Nakita kong papasok na si Ice kaya naman dali dali akong bumaba at tumakbo palapit sa kanya.
Narinig ko na rin kasing kumulo ang tiyan ko. Lulubusin ko na ang kabaitan nya,kung kabaitan nga ba ang ginawa nya, malay mo ilibre pa ako.hehehe

"bakit di mo man lang ako sinabihan?iniwanan mo pa ako dun. Nagmukha tuloy akong tanga." Nakapout kong reklamo sa kanya ng makalapit ako.

"Tsk" at derederetsong umupo sa bakanteng lamesa.

Yun na yun? 'Tsk' lang ang isasagot nya. Ayos ah. Umupo na lang ako at di pinansin ang isininagot nya. Mapanis sana laway nya. Uhmmpp..

"What do you want?" Napaangat ang ulo ko ng nagtanong sya.

"Kahit ano lang. Ikaw na ang bahala." Nakangiti kong sagot.

"Tsk" napasimangot na lang ako sa sinagot nya. Tiningnan ko na lang sya habang busy sya sa pagtingin sa menu.

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon