Chapter 3: Self Bonding?

20 1 0
                                    

Sam's POV

Kring..kring....kring....
(Sorry na agad sa tunog ng alarm clock.xD)

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock. Umaga na pala. Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals.

Pagkatapos bumaba na ako upang mag almusal.

"Good morning Yaya Mina"

"Good morning din Sam. Kain kana, naipagluto na kita ng paborito mong bacon."

"Thank you Yaya. Nga po pala where's mom and dad?"

"Naku,maagang umalis,may aasikasuhin pa daw sila."

"Ganun po ba. Sige po Ya kain na din po kayo. Saluhan niyo na po ako."

Nakakalungkot naman wala na naman sina mama at papa. Panu na yan?linggo pa man din. Wala naman akong ibang kaibigan maliban kay Monic,ay hindi ko na nga pala siya kaibigan ngayon..Hayyy naku!ang boring naman.....

"Ah!alam ko na! Pupunta na lang akong mall. Tama tama..."May pagtango pa ako habang sinsabi yan.

"Yaya Mina,aalis po muna ako. Pupunta lang po akong mall."

"Sige Anak. Mag iingat ka."

"Opo."

Naglalakad na ako papasok sa mall pero natigilan ako.

Shete!anu nga palang gagawin ko dito.?tanong ko sa isipan ko.

Unang una wala naman akong plano.
Pangalawa wala naman akong kasama.
Pangatlo busog pa naman ako.

Hala,bahala na nga.mag iikot na lang muna ako dito...

Tingin dito,tingin doon.

Pasok dito,pasok doon.

Labas dito,labas doon.

Orayt!nakakapagod pala. Sa laki ba naman ng mall nato ewan ko na lang kung hindi ka din mapagod pag inikot mo.

"Nagugutom na ako."mahinang sambit ko.

Mas pinili ko na lang na kumain sa isang fast food. Sa jollibee to be exact.
Umorder ako ng isang spaghetti,extra large na fries at iced tea. Naupo ako malapit sa glasswindow kaya tanaw ko ang mga tao sa labas..

Kakalungkot namang kumain mag isa. Napalingon ako sa may restaurant na katapat lang ng inuupuan ko. At kitang kita ko ang dalawang sweet na couple.

"Anu ba naman yan? Nakakawalang gana tuloy." Pagdaing ko.

Sweet? Hindi naman ako masyadong sweet na tao,sakto lang.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko para makauwi na ako. Tinatamad na akong gumala o maglibot.

Naglalakad na ako palabas ng jollibee ng............

"Aray ko po! Ang pwet ko. Ansakit."naman e. Paalis na nga ako. Minalas pa.

Hindi ko pa din iniaangat ang paningin ko sa nakabangga ko..tanging sapatos na kulay itim lang ang nakikita ko..busy pa kasi ako sa pagdamdam ng sakit ng pwetan ko.

"Next time,tumingin ka sa dinadaanan mo. Stupid."

Aba aba aba,bastos tong lalaking to ah. Ako?stupid? Uupakan ko to e.

"Hoy lalaki! Ikaw itong.........." hala nasan na yung lalaking antipatiko. Sayang ang effort ko sa pagtayo at pagsigaw wala naman pala akong kausap. Nagmukha lang akong tanga. Andami pa namang mga tsismoso.tsk

Nagpalinga linga ako,sa likod?wala,sa harap?nope wala pa din,sa kanan?mas lalong wala,sa kaliwa?wala din. Anu ba naman yan,no trace of him. Bahala na nga siya napakayabang.

Nagpatuloy na lang akong maglakad.

"Kala mo kung sino para sabihing stupid ako. Haler! Siya kaya ang hindi tumitingin sa daan.tsk"mahina kong bulong. "Napakahangin niya.grrrr"

Awa ng diyos na karating ako ng ayos sa bahay.

What a long day...........
Nakasurvive ako ngayong araw mag isa.

--——————————

Inspired pa ako lol.

Salamat sa mga magbabasa nito.

-prettymhineee

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon