Chapter 4: First Epic Meeting

17 1 1
                                    

Sam's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Kahit na I really hate monday. Chos! Sino ba naman kasi ang gugustuhin ang monday?kakatamad kayang bumangon ng maaga at pumasok.

So ayun na nga,tumambay muna ako sa canteen since may 30 mins. Pa ako bago mag umpisa ang klase. Kesa naman mabore ako dito magkkwento na lang ako.

First year highschool ako nung nakilala ko si Monic, Monic Delavega. Maganda,jolly,mabait,sweet at friendly. Yan yung pagkakakilala ko sa kanya nung una.Hindi ko inaasahang magclick ang ugali namin. Since then naging mag bestfriend na kami. Kakampi ko siya sa lahat ng bagay,partner in crimes ika nga.

Hanggang sa nakilala namin si Mark Leo Anstein.

Flashback..

Naglalakad kaming dalawa ng bestfriend  kong si Monic sa field.

Hindi ko namalayan na may paparating palang bola papunta sa likod ng ulo ko.

"Miss ilag!"

*Tooggsshh*

At dahil sa gulat ko ng may sumigaw sa likuran ko,napaharap tuloy ako. Ayun sapul sa mukha. Natumba pa ako sa lakas ng impact.

"Aray! Best umiikot na ang mundo ko."

"Best!ok ka lang?"nag aalalang tanong ni Monic.

"Gaga ka! Ikaw kaya ang tamaan ng bola sa mukha. Ok ka lang?"

"Sorry naman."inalalayan akong tumayo ni Monic.

"Miss sorry ha, hindi ko naman sinasadyang matamaan ka sa mukha. Ang sabi ko kasi ilag hindi ko naman sinabing humarap ka."hindi ko alam kung talaga bang nagsosorry ang lalaking nasa harap ko o sinisisi pa ako. Sayang gwapo pa man din.

"Aba't hoy!Anu namang klaseng sorry yan ha! Pinapalabas mo pa na ako ang may kasalanan,ako na nga itong nadisgrasya! "

"Best. Wait lang tama na yan."inaawat na ako ni best pero sadyang kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito!napakakapal ng mukha! Kala mo kung sinong gwapo. Well gwapo naman talaga sya. Ay basta!erase erase. Panget sya!panget ang ugali nya!

"Bakit ba best?hindi pa ako tapos dito." naiiritang sagot ko sa kanya.

"Miss I think you should now go to clinic." sabat ng lalaking makapal ang mukha.

"Hoy lalaki!wag mo nga akong mautos utusan sa dapat kong gawin!"grabe nag iinit na talaga ang dugo ko dito.

"Ah best,sa tingin ko tama siya. We should go to clinic na."

"Best bakit ba?kita mong nagtutuos pa kami ng walanghiyang lalaking ito e." I swear naiinis na ako pati kay best. Parang mas kinakampihan nya pa itong lalaking ito.

"E kasi naman best nagdudugo na yung ilong mo."

O___O
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni best. Napahawak naman ako sa ilong ko at ayun nga malayang umaagos ang dugo..oh em gee!

"Naman best! Bakit di mo agad sinabi." pagmamaktol ko sa kanya.

"Ayaw mo kasing paawat e."

"anu na!tara na best sa clinic! Ayaw ko pang mamatay no!." Nagmamadaling sabi ko kay best.

Pero bago namin lisanin ang lugar na iyon. Tumingin muna ako sa lalaking makapal ang mukha at tumingin ng masama.

Uhmmmpp. May araw ka din sakin! Sigaw ko sa isip ko.

End of flashback...

Nagitla ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*mama calling*

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Hello ma!"

"Hi sweetie. How are you?"

"I'm fine ma. Ikaw po?"

"Ok lang naman. Medyo busy sa business. Anyway I want to inform you that we will have family dinner tonight."

"Really ma?" Excited na ako para mamaya..finally magkakasama sama na ulit kame.

"Yes sweetie. Take care always. I need to hang up na"

"Yes ma you too. I love you ma."

"I love you too."

"Tell dad that i love him, and i really miss the both of you."

"Alright sweetie. I miss you too. Bye"

"Bye ma."

Finally makikita at makakasama ko na ulit sila. Tapos na siguro ang business trip nila.

Lumabas na ako ng canteen dahil 5 mins. Na lang mag uumpisa na ang klase.



—————————

hanggang dito muna for now.

-prettymhineee


Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon