Sam's POV
Lumipas ang mga araw na lagi na lang akong umiiwas sa kanila. Alangan namang pansinin ko sila ng pansinin e di ba nga nagmomove on ako? Tsaka ko na sila papansinin kapag nakamove on na ako. For now para lang silang hangin na dinadaan daanan lang ako.
Pero sadya atang mapaglaro at malupit ang tadhana. Bakit? Kasi mula sa kinauupuan ko sa may garden sa school nakikita ko ang chakadoll girls na papalapit sa kinaroroonan ko. Gulo na naman ang hanap ng mga to. —_____—
At dahil ayaw ko ng gulo tumayo na ako para makaalis at makaiwas sa mga yun.
"Running away pathetic loser?"
Natigilan ako sa pagtangkang pag alisng nagsalita ang pinuno ng chakadolls. Bakit chakadolls? Simple lang,feeling kasi nila mukha silang manika. Sa kapal ng makeup nila nagmumukha lang silang chaka.
"What now Nika?" Walang gana kong sagot sa kanya. Mukhang hindi na ako makakaiwas sa mga ito sa pagkakataong ito.
"Wala naman. Nasusuka lang ako sa pagmumukha mo. Kailan ka ba kasi aalis dito? Wala namang may pakialam sayo. " irap nya.
Tsk. Napakaewan talaga.
"Kung may problema ka sa akin o sa mukha ko bakit hindi na lang ikaw ang umalis dito?"
"Aba at marunong ka ng sumagot ngayon. Baka nakakalimutan mo wala ng magtatanggol sayo. Iniwan ka na ni Monic kasi nakuha na niya si Mark mula sayo." Nakangiting saad nya. More like smirk.
Tama siya,siguro nga wala ng magtatanggol sa akin. Kasi yung mismong taong dapat kakampi ko at tagapagtanggol ko siya rin palang gagawa ng masama laban sayo. Dati si Monic ang tagapagtanggol ko sa mga chakadolls pero yun na rin siguro ang kamalian ko. Hinayaan kong maging mahina ako at ipagtanggol ng iba. Kaya ngayon hinding hindi ko na hahayaang apihin pa nila ako.
"Hindi ko na kailangan pa ng tagapagtanggol lalo na laban sa isang katulad mo na kasing kapal ng mukha mo ang makeup mo." Gusto ko ng humagalpak ng tawa kasi naman kulang na lang umusok yung ilong nya sa galit.
"Akala mo naman kung sino kang maganda! Pinagpalit ka nga ni Mark sa bestfriend mo kasi si Monic maganda e ikaw?kawawa ka naman. Anyway, the three of us versus you?anung laban mo sa amin." Mayabang na sabi nya.
"Yun na nga e. Tatlo kayo nag iisa ako. So sino kayang mas duwag sa ating dalawa?" Mapang asar kong sabi sa kanya. Pulang pula na ang mukha ng bruha at Yung dalawa naman nyang kasama hindi makaimik.
Nagtaka ako sa biglang pagngiti ni Nika.
"Tingnan lang natin ang tapang mo ngayon." Nakangiting saad nya.
Anu na naman kayang binabalak nito. Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sumigaw si Nika.
"Hey Monic! Come over here! I just want to tell you something. Isama mo na din si Mark"
No,no,no!not now please ,hindi pa ako ready makaharap silang dalawa. Wag kang lalapit please.
Pero mukhang hindi nakinig sa akin ang tadhana dahil naririnig ko na ang yapak nilang dalawa sa likuran ko.
Oh lupa lamunin mo na ako ngayon.. pwede bang maglaho na lang bigla kahit ngayon lang?
"What is it Nika? May date pa kasi kami ni Mark e."
Bitch!akala ko pa aman din dati mabait sya! May lahi din palang demonyo.
"Ito kasing si Sam kung anu anong sinasabi about sa inyo."
Gusto ko sanang burahin ang mapang asar na ngiti ni Nika pero wala akong magawa.
"Bakit? Anu bang sinasabi niya?" Maarteng sabi nya.
"Sabi lang naman niya na hindi naman daw kayo bagay ni Mark at alam mo bang sabi pa niya gagawa daw siya ng paraan para magkahiwalay kayo at magkabalikan sila ni Mark." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nika. Ni isa sa binanggit nya never kong sinabi. Di ba nga tanggap ko na at nagmomove on na ako? Kaya bakit ko naman sasabihin ang mga yun?
"Really?" Tumango naman si Nika at may tagumpay na ngiti sa labi. "I don't know na ganyan ka pa rin pala kabitter sa amin Sam. At pwede ba stop dreaming na magkakabalikan pa kayo ni Mark dahil never kaming magkakahiwalay."
"Wala naman kasi akong sinasabing ganyan Monic. Kilala mo ako. Hindi ko kayang magsalita ng ganyan." Pagdadahilan ko.
"Tama na Sam,wag ka ng mag assume na babalik pa ako sa isang katulad mo. Walang wala ka kung ikukumpara kay Monic. So stop bothering us." MAlamig at derekta sa mata ang pagkakasabi ni Mark. Ouch lang.
"Narinig mo naman siguro Sam diba? At pwede ba hindi kita kilala." ANg sarap lang dukutin ng mata ni Monic dahil sa kaiirap nya. "Let's go babe. May date pa tayo diba?" Malanding tanong ni Monic kay Mark habang hinihila.
Edi sila na,kala mo'y ahas kung makalingkis kay Mark. Ay ahas na nga pala sya.
Umalis na din ang tatlong bruha pagkaalis nina Monic at Mark. Talagang may gana pang mang bangga.
Nawalan na tuloy ako ng ganang pumasok. Makauwi na nga lang. Atleast sa bahay walang asungot.
——————————
to be continue na lang.xD
-prettymhineee
BINABASA MO ANG
Mending A Broken Heart
Teen FictionYung tipong minsan kana nga lang magmahal sa maling tao pa. Nakakabobo... Yung feeling na minsan kana nga lang magseryoso sa taong manloloko pa. Nakakabaliw... Yung taong pinagkakatiwalaan mo siya rin palang aahas sayo. Nakakamatay... At yung akala...