Sam's POV
Ayan na ayan na. Hahalikan na ako ni Mark.
Pumikit ako kasi mas gusto kong namnamin yung moment na ito. Hanggang sa ........"Iha gising na. Kanina ka pa ginigising ng mommy mo."
Nakapikit pa din ang mga mata ko pero pakiramdam ko lumilindol. Anu ba naman yan pati ba naman ang kalikasan ayaw makisama? Ayan na oh,magkikiss na kami. Bakit ba ang daming hadlang? Iminulat ko ang mata ko ngunit imbis na si Mark ang makita ko si Yaya Mina ang bumulaga sa .mukha ko habang busy sa pagyugyog sa akin. Kaya pala akala ko kanina lumilindol. -__-
"Yaya Mina bakit po ba? Ang ganda na po ng panaginip ko e." Reklamo ko sa kanya.. sino ba namang matutuwa kung naudlot yung kiss. Sa panaginip na nga lang nagiging makakatotohanan e.
"Kanina ka pa ginigising ng mommy mo pero ayaw mo naman daw magising. Magpapaalam daw sana sila. Pero hindi kana inintay kasi wala ka naman daw balak bumangon kaya umalis na sila at malalate na daw sila." Mahabang paliwanag ni Yaya Mina.
"At sya nga pala bumangon kana diyan at bilisan mo late kana."
O___o
"What??!!!" Pagtingin ko sa wallclock sa kwarto ko it's 7:07 am. "Holy shit! Yaya bakit di mo kagad sinabi?!!!" Nagmamadali akong pumunta ng banyo. Narinig ko pang tumawa si Yaya Mina. Patay! 7:00 pa man din ang klase ko.
Hindi na ako nag abala pang kumain dahil super late na ako.
"Yaya Mina una na po ako." Sigaw ko habang nagsusuklay palabas ng bahay.
"Kumain ka muna Sam."
"Sa school na po. Sobrang late na po ako. Bye Ya"
"Sige ingat."
Habang nasa byahe busy ako sa pagsusuklay. Grabe hindi na ako nakapag ayos sa kapandalasan.
"Mang Kanor pakibilisan naman po. Late na lang po sadya ako."
"Sige po mam."
Pagdating sa school hindi ko na inantay na pagbuksan pa ako ni Mang Kanor ako na mismo ang nagbukas ng pinto at dali daling lumabas.
"7:22 am na. Patay!" Dahil no choice na ako. Tumakbo na ako.
Pagdating ko sa room nandun na nga si Mam.
"Sorry Ma'am I'm late." Paghingi ko ng paumanhin. Shet! Sana papasukin nya pa ako.
"Ms. Fuentabella come in and have a seat. Next time don't be late ok?". Yes! Buti na lang mabait si Ma'am Aura.
"Thank you Ma'am" umupo na ako baka kasi magbago pa ang isip ni Ma'am.
"Anyway, I told you last meeting that we will have a long quiz right?" Tumango naman ang mga kaklase ko. "Alright get one whole shit of paper."
Oh shit talaga! Nakalimutan kong mag aral. Busy kasi ako sa pag iisip ng mga bagay bagay lalo na yung tungkol sa dalawa. Naman! Ang malas ko naman ngayong araw.
Kahit labag sa loob ko kumuha na rin ako ng papel. Goodluck to me kung may maisasagot ako.
"Okay let start. Question # 1. What is...blah blah blah..."
Alam ko yan alam ko yan. Isinulat ko kagad ang sagot ko buti na lang may natatandaan pa ako. Yes! May isa na akong tama.
"Question #2,who is the father of..blah blah eklabush."
(Pasensya na guys sa tanong. Tinatamad kasi akong magsearch.xD bear with it.)
Patay! Hindi ko alam to. Hayae na malay mo alam ko na yung susunod.
"Number 3, which is not included in........blah blah blah.blam."
Wala na. ;( nakakaiyak na. Hindi ko din alam. Huhuhu. Naman e!
Hanggang sa #23 na pero wala na talaga akong alam hanggang 30 pa man din to. Ang daming bungi ng papel ko. Waaaahhh! Help!!!! 😭Ok Sam think! What to do? What to do? Makapanulad na lang kaya? Tama tama.
*lingon sa kanan* awwk pader. Huhuhu
*lingon sa kaliwa* grabe lungs!may takip na panyo ang papel huhuhu!panu na to.
*lingon sa unahan* nakaharang naman ang buhok at siko. Waaahhh! Wala na talaga akong pag asa. Alangang lumingon pa ako sa likod edi baka mahalata na ni Ma'am.
Hanggang sa natapos magtanong si Ma'am ng wala man lang sa kalahati ang naisagot ko. Wala pa nga yata sa 1/4 e. Karamihan pa, nanghula lang ako. Nasan ang hustisya!
"Exchane your paper"
Habang nagchecheck kami hindi ko maiwasang mainggit e kasi naman ang daming sagot ng chinecheckan ko tas mga tama pa. Huhu dapat pala hindina lang ako pumasok.
Pagkabalik ng papel ko sa akin. Alam nyo kung anung score ko?
Tumataginting na tres!oo as in Three! As in tatlo. Jusme nakakahiya! Baka ako na ang lowest!!!
"When I call you ,say your score" sabi ni Ma'am. Parang ayaw ko ng sabihin ang akin.
"Abad"
"22"
"Alaer"
"20"
Parang ayaw ko ng makinig... natigil ako sa pagmumuni muni ng may kumalbit sa akin.
"Shopie (pronounce as sopi) yung score mo daw"
Patay ako na pala!ang bilis naman.
"Again, Fuentabella"
"Ah eh, t--three po Ma'am" medyo pabulong kong sagot.grabe nakakahiya.
"Louder Ms. Fuentabella!"
"THREE PO MA'AM!" Ayan napasigaw na tuloy ako.
"Grabe girl! Narinig mo yung score nya? 3!" May pagbulong pa itong si chakadoll #2 kay Nika e rinig na rinig naman. Yung totoo bulong ba yun?
"As always,no doubt she's a pathetic loser. Kaya siguro pinagpalit ni Mark kay Monic. Matalino kasi si Monic hindi kagaya nya." Maarteng sabi ni Nika. Psh!
Matalino naman din kaya ako. Nakalimutan ko lang sadyang mag aral at lutang ako.
"Matalino na nga si Monic,sexy pa."
"Bakit sexy din naman ako ah.tsk" mahina kong bulong.
"Plus si Monic Maganda hindi katulad ng iba dyan!"
Nagpaparinig ba sila? Bakit maganda din naman ako ah sabi ni Mama. Sila nga itong feeling maganda e ang kapal lang naman ng makeup.
Makaalis na nga lang dito! Nakaalis na din naman pala si Ma'am. Makakain na lang kesa makinig sa mga mukhang clown na ito.
-----
BINABASA MO ANG
Mending A Broken Heart
Teen FictionYung tipong minsan kana nga lang magmahal sa maling tao pa. Nakakabobo... Yung feeling na minsan kana nga lang magseryoso sa taong manloloko pa. Nakakabaliw... Yung taong pinagkakatiwalaan mo siya rin palang aahas sayo. Nakakamatay... At yung akala...