Sam's POV
Saturday ngayon,it means walang pasok.Kagabi napagpasyahan kong wag na lang silang pansinin. Ang chakadolls girls at ang dalawa. Gosh! I can't even say their names. Ganito ba talaga kapag broken hearted nagiging bitter.?
Anyway,ayun na nga napag isip isip ko na magmove on na.
Flashback.....
Pagkatapos na magdeclare ni Sir ng dismiss na sya naming huling guro nung araw na yun,agad akong nagligpit ng mga gamit ko at nagmamadaling naglakad palabas.
"The ef! Bakit feeling ko habang nagtatagal na nakakasama ko silang dalawa sa iisang lugar masusuffocate ako.urggghhh! I hate this feeling."
Aware akong nagmumukha na akong tanga dahil salita ako ng salita habang naglalakad kahit wala naman akong kausap.
Kesa naman gumawa na naman ako ng eksena. Nagmadali na lang akong hanapin si Mang Kanor. Personal driver namin. Hindi naman ako nahirapang hanapin sya.
Pagdating sa bahay dumeretso ako sa kwarto at dun nagmukmok. Buti na lang wala sina mama at papa dito,busy sila sa kanilang mga business.
"Bakit kasi sa dinami dami ng ipapalit mo sya pa? Andami naman diyang iba.huhuhu"kinakausap ko ang litrato ni Mark habang umiiyak. May pagduro duro pa ako sa mukha nya.
"Wala ba talaga akong kwenta gaya ng sabi ni Nika.?."waaaahhh!ang malas ko naman.huhuhu
"Bakit kasi ang bestfriend ko pa Mark? Sana iba na lang para hindi ako nahihirapan ng ganito. Mas madali ko pa sanang matatanggap kung ibang babae yun,pero bakit ganun? Bakit si Monic pa? Bestfriend ko yun e!"hinampas hampas ko pa ang litrato ni Mark habang sumisigaw.
"Bwisit ka!bwisit!!!! Bwisit kayo! Bwisit kayong lahat!" Ibinato ko ng malakas ang litrato. Ayun basag nakaframe pa man din yun.
"Isinusumpa ko ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa inyo! Makikita niyo magbbreak din kayo!"
Pinulot ko ang litrato mula sa basag na frame. Kinuha ko lahat ng binigay ni Mark sa akin. Teddybears,pillows,necklace basta lahat lahat na. Kumuha ako ng kahon at dun nilagay lahat.
"Yaya Mina"
"Yes,Sam? Oh anung nangyari sa mga mata mo?umiyak ka na naman ano?sila na naman ba ang dahilan?"
Tumango naman ako. Grabe nakakahiya,lagi na lang ako nakikitang umiiyak ni yaya Mina.
"Hay naku anak,tama na yan. Kung kayo,kayo talaga. Hayaan mo na sila. Alam ko may dadating na tao na mas karapatdapat sayo."
"Sorry yaya,promise po last nato." Niyakap ako ni Yaya Mina. Buti na lang mabait si Yaya at hindi ako sinusumbong kay mama. Para ko na rin syang pangalawang ina.
"Oh sya,bakit mo nga pala ako tinatawag kanina?"nakangiting saad ni Yaya Mina.
Ngumiti muna ako bago sumagot.
"Oo nga po pala.Gamuntik ko ng nakalimutan. Ipapatapon ko lang po sana ito."sabay abot nung kahon."Anu ba kasi ang mga ito?" Sinilip ni YAya Mina ang kahon. "Di ba ito yung mga bigay sayo ni Mark?" Tumango naman ako. "Oh bakit gusto mong itapon?sayang naman."
"E Yaya hayaan nyo na po. Mas madali po siguro akong makakapag umpisa ulit kapag wala na ang mga yan."
"Sige. Kung yan ang kagustuhan mo. Sige na magpahinga kana tatawagan na lang kita pag handa na ang hapunan."
"Salamat po Ya."
Ngumiti muna si Yaya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Hayyy...sana lang makayanan ko. Nakakasawa na rin kasing umiyak ng umiyak.
End of Flashback....
So,ayun na nga nagdecide na akong magmove on. Tutal malapit na din naman matapos ang pasukan at makakagraduate na ako. Sa ibang school naman ako papasok kaya malaki ang posibilidad na hindi ko na sila makitang dalawa.
Ang bilis naman ng oras. Gabi na pala.. makakain muna bago matulog.
Aja kaya koto. *inhale* *exhale*
"Kapag ako nakamove on, who you kayo sa akin."
-----------
Guys do you have any suggestion?
Malaya po kayong makakapagcomment.Godbless.
-prettymhineee
BINABASA MO ANG
Mending A Broken Heart
Подростковая литератураYung tipong minsan kana nga lang magmahal sa maling tao pa. Nakakabobo... Yung feeling na minsan kana nga lang magseryoso sa taong manloloko pa. Nakakabaliw... Yung taong pinagkakatiwalaan mo siya rin palang aahas sayo. Nakakamatay... At yung akala...