Chapter 8: The Bitch

12 1 0
                                    

Sam's POV

Nakakatamad pumasok sa school ngayon.
Kung wala ka ba naman kaibigan at kavibes sino ba namang sisipagin nun. Hayyy.

I have no choice. Kaya heto ako ngayon matamlay na naglalakad sa school ground.

Napatigil ako ng mabunggo ako sa pader. Pero wait,pader? As in PADER? kelan pa nagkapader dito? O___o takang tanong ko..

"Wag ka ngang maglalakad na para kang zombie. Hindi mo alam nakakabunggo ka na pala ng tao." Asar na sabi nya. Kilala ko ang boses na ito ah. Kailan ko ba naman makakalimutan ang boses nya.

"Wow tao ka pala Mark. Sorry ha hindi ako nainform." Sarcastic kong sabi sa kanya akala nya ha kuha mo naman kulang na lang sumabog sya sa sobrang galit.

"Kung makapagsalita ka dyan para tayong walang pinagsamahan ah. Are you still bitter Sam?" Aba at talagang inaasar pa ako nito ah.

"May pinagsamahan nga ba kame o lahat yun kalokohan lang?" Inis kong bulong sa sarili ko.

"What are you saying Sam?" Oh em! Narinig ba nya?mahina lang naman ang pagkakasabi ko ah.

"Nothing. At ako bitter pa rin? Of course not! I've already move on!" Matigas kong sabi sa kanya. Hindi na ulit ako magpapaapi sa kanya.

"Really?" 3 inches na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Shete! Bakit kasi kailangan pang ilapit ang mukha nya? Baka bumigay ako nyan! Pero hindi dapat ako magpatalo sa kanya.

Inilapit ko din ang mukha ko sa kanya. Ha!akala nya ha. "Oo naman. Ang mga taong kagaya mo dapat kinakalimutan at hindi minamahal." Matapang na sabi ko sa kanya. Bale 2 inches na lang ang pagitan naming dalawa. Awkward be!

"Talaga lang ha? Ako? Makakalimutan mo?" Para akong binuhusan ng malamig ba tubig.Ramdam ko na yung hininga nya sa mukha ko! Holy crap! Sobrang lapit na ng mukha nya. halos maduling na ako.

Sasagot pa sana ako pero naitulak ko sya ng may sumigaw sa likuran ko.

"WHAT THE HELL!! WHAT IS THE MEANING OF THIS?!!!" Oh shit! Bitch alert!

Aalis na sana ako pero hinila ni Monic ang buhok ko. Oh ow! Patay na!

"You bitch! Hindi mo ba talaga tatantanan ang boyfriend ko!" Gigil na sabi ni Monic.

"Aray! Anu ba Monic! Wag ka ngang gumawa ng eksena dito!" Awat ko sa kanya. Takte! Baka bukas wala na akong buhok. Ang tindi din naman nitong manabunot. At take note, pinapalibutan na kami ng mga tao.

"Hindi ako gagawa ng eksena dito kung hindi mo nilalandi ang boyfriend ko!" Wow ha! Ang kapal nya ako pa ngayon ang nanlalandi. Just wow!

"Pwede ba wag mo akong matawag tawag na malandi!" Tinulak ko si Monic ng malakas ayun subsob sa lupa ang bruha. "Hindi ako katulad mo na malandi!makati!kiri! A higit sa lahat ahas! Di ba inagaw mo lang naman siya sa akin! At pwede tantanan mo na ako at wag kang masyadong bitter dahil si Mark naman ang nag umpisa! Kung ayaw mong maagaw si Mark sayo itago mo sa palda mong kinapos ang tela!" Humakbang na ako palayo pero may naalala ako. "And by the way,bagay na bagay kayo, isang basura at isang basurahan. Perfect couple.tsk" umalis na ako ng tuluyan bago pa ako sugurin ni Monic kitang kita ko pa man din kung panu namula yung mukha nya habang itinatayo ni Mark.

"Anu pang ginagaw nyo dito! TAPOS NA ANG PALABAS!MAGSILAYAS KAYO!!!" Rinig kong sigaw ni Monic.

Masaya ako dahil ngayon napatunayan kong nakamove on na ako. :)
Serve them right. BITCH.

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon