Chapter 16: What?

9 1 1
                                    



SAM'S POV




Nagmamaneho ako papunta ng school. Hindi na ako nagpahatid kay Mang Kanor. Trip kong magdrive ngayon.

Ewan ko pero kanina pa akong hindi mapakali. Feeling ko may hindi magandang mangyayari. Kung ano yun? Yun ang hindi ko alam. Sana mali ang nararamdaman ko.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ramdam ko na ang mga matang matamang nakatingin sa akin. Mas lalong sumiklab ang kabang nararamdaman ko kanina pa.

'Something is wrong. What's the matter with them?' Takang tanong ko. May mali dito at hindi ko matukoy kung ano.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at pinipilit isantabi ang mga nakakamatay na tingin ng mga estudyante especially the girls.

"SAM! Wait!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hinihingal na lumapit ang dalawa  dahil sa pagtakbo. "Alam mo na ba?" Nag aalalang tanong ni Zane. "Totoo ba Sam?" Excited na tanong ni Moraine.

Napakunot ang noo ko habang papalit palit ng tingin sa dalawa. Bukod sa mga nakakapagtakang tanong magkaiba din sila ng itsura. Isang nag aalala at isang mukhang natutuwa pa. Ano ba talagang meron?

"Ha? I don't get you guys." Nagtatakang sambit ko.

"Oh shoot! So you really don't know ha?" Iiling iling na sabi ni Zane.

"Know what?" curious kong tanong sa dalawa.

"Girl, you need to see this." Hinatak ako ni Moraine papunta sa may bulletin board. And there I saw the picture with the caption, "The slut Sam silently  hitting the Prince" naningkit ang mata ko pagkabasa ko. Sa pagkakatanda ko,ito yung kumakain kaming dalawa sa restaurant,nung panahon na niligtas nya ako sa mga humahabol sa akin.

Now,this explain why the students acting weird. Tsk! Sino naman kasing inggetera ang naglagay nito. At ako Slut? Duhh! Sa ganda kong to? Aba! pagnalaman at nakita ko lang ang may pakana nito makikita nya ang tunay na slut. Smirk

"You're the talk of the town girl! Like oh em gee! Bakit di mo naman sinabing close kayo ni Ace! Kyaaahh!" Tumitiling tanong ni Moraine.

"We're not close." simpleng sagot ko.

"Stop that Paige Moraine. It's not funny. Can't you see? They call Sam slut?" Inis na wika ni Zane.

"I know but scratch that slut thingy but don't you see also? The almighty prince Ace and our great Sam are eating together? its romantic right? Plus the fact that Ace don't do that such act. It's very rare you know? Do you get my point?" Mahabang paliwanag ni Moraine.

"Cut it guys. Let's not talk about this. We've just eat. Nothing less, nothing more. It's non sense. Huhupa din yan. Let just go to our class, it's getting late." Tumango naman sila bilang pagsang ayon.

Hindi pa kami masyadong nakakalayo ng may humarang na tatlong babae.

"Oh hi there Sam slash slut" maarte at mapang asar na wika ng babaeng nasa unahan. I guess sya ang leader. Base na din sa kolorete nya sa mukha na dinaig pa ang coloring book at ang damit nyang kinapos sa tela.'now who's the slut?'smirk

sasagot nasa si Moraine but I stop her.
"I got this." Mahinang sambit ko sa kanya.

"Sorry Miss, but do I know you?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Sikat na pala ako ang dami ng nakakakilala sa akin pero hindi ko naman sila kilala.

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon