Chapter 17: TOTOO NA TO

25 0 0
                                    

SAM'S POV


Ilang araw na ang lumipas simula nung may naglagay ng picture sa may bulletin at buti na lang sa awa ng diyos humupa na din ang isyu. Hindi ko pa din alam kung sino ang may pakana nun at wala akong balak na alamin pa,malalaman ko din yun,tiwala lang. Ilang araw ko na din hindi nakikita ang pagmumukha ng yelong yun. Langya! Hinayaan akong makuyog ng kanyang poncio pilatong fan girls, hindi man lang nilinaw yung isyu. Ano pa nga bang aasahan mo sa isang Ice Ezekiel Zantresz?


Naglalakad akong mag isa sa kahabaan ng school ground. Wala kaming klase dahil may meeting ang mga teacher para sa gaganaping camping. Yung dalawang bruha? Aba malay ko,bigla na lang lumabas at hindi man lang nagpasabi. Okay na rin siguro to para naman makapag isa ako.

Medyo malayo na din pala ang nalalakad ko kaya napagpasyahan kong umupo muna sa bench na natanaw ko.

*inhale* *exhale*
"Nakakapagod." Mahinang reklamo ko.

Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong malapit pala ako sa volleyball field. May mga lalaking estudyanteng busy sa paglalaro habang halos maputol na ang litid ng mga babae kung makasigaw. Sa pagkakaalam ko wala namang importanteng laban ang school ngayon pero kung makacheer ang mga babae dito halos himatayin na.
Mga babae nga naman.tsk Napailing na lang ako sa nakita ko.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa puno na nakatayo malapit lang sa kinaroroonan ko. Umupo ako at komportableng isinandal ang ulo ko sa malaking katawan ng puno. Hindi pa naman masyadong mainit dahil maaga pa at medyo may kalakasan din ang hangin na tinatangay ang mahaba kong buhok. Nakalimutan kong magdala ng ponytail kaya hindi ko maipuyod.

*yawn* hindi ko namalayan na tuloy tuloy na pala akong nilamon ng kadiliman sa kabila ng sigawang naririnig ko galing sa field.


.
.
.
*toogsh*

"Aray!" Daing ko. Napatingin ako sa bolang tumama sa ulo ko. kanino naman kaya ang walang hiyang bolang ito na gumising sa masarap kong tulog?

Tumayo ako at pinulot ang bola. Sinuri ko ito at may napansin akong nakasulat dito. "ML" mahinang usal ko. 'Bola to ng volleyball ah' tumingin ako sa dako ng volleyball field. Napansin kong wala ng tao dito marahil tapos na ang mga naglalaro dito kanina. Napukaw ang atensyon ko ng lalaking tumatakbo papunta sa gawi ko.

"Hey!" Hinihingal nyang sambit ng makarating sya sa pwesto ko. Teka, parang familiar sya sa akin? Hindi ko matandaan kung saan ko nga ba sya nakita.

"Can I get my ball?"

"Ha?" Taka kong tanong. Saan ko nga ba narinig ang boses na ganito?

"I believe that's my ball,can I get it now?" Sabi nya habang tinuturo ang bola na hawak ko nga pala kanina pa.

"Here" abot ko sa kanya.

"Natamaan ka ba?" Nag aalala nyang tanong. oo nga pala,nakalimutan ko ng tinamaan nga pala ako ng bolang yun. Pero mukhang mabait naman sya kaya pagbibigyan ko muna sya.

Tumango ako bilang sagot.

"Ow! I'm sorry medyo napalakas yata ang pagpalo ko."

"Okay lang." Nakangiti kong sambit.

"Mike by the way." pakilala nya sabay lahad ng kamay. Shit! Parang bombang sumabog nung narinig ko ang pangalan nya. How did I forget his handsome face?! Damn! Sya si poging kuyang driver ni Ice! Si Mike.

"Ikaw yung driver ni Ice!" medyo pasigaw na sabi ko.

"Ha? What are you talking about?" Nagtatakang sabi nya habang nakakunot ang noo.

"Ikaw yung nakabangga sa akin noon. At ang sabi mo pa na baka magalit na ang amo mo at bumuga ng apoy. Remember?" Paliwanag ko sa kanya. Sandali syang nag isip bago pumitik.

"Oh yes! I remember you. May utang pa nga pala ako sayo tapos ngayon natamaan pa kita ng bola. I'm really sorry hindi ko talaga sinasadya."

"Ah eh..okay lang." medyo alanganin kong sagot.

"Let me treat you lunch. Remember? yun din naman ang sinabi ko sayo dati na kapag nakita kita ililibre na lang kita? Ano free ka ba ngayon?"

Sumulyap muna ako sa relo ko bago sumagot. "Pwede naman. It's almost lunch time na din naman." nakangiti kong sagot. 'this is it! makakasama kong maglunch si poging kuyang driver!' kinikilig na isip ko.

"Alright! I'll just go take a quick shower. Hintayin mo na lang ako sa may parking lot." nakangiti nyang sabi.

"Ha? Bakit sa parking lot at hindi na lang sa canteen?" nagtataka kong tanong. Akala ko ba ililibre nya ako ng lunch?

"Ah yun ba? sa labas kasi tayo kakain para naman maka bawi ako ng todo sayo." nahihiya nyang sambit habang kakamot kamot sa batok nya.

"okay." maikli kong pahayag.

Nagsimula na syang maglakad kaya naman tumalikod na din ako at tinahak ang papuntang parking lot.

Napatigil ako sa paghakbang ng mapansing kong may isang lalaki na nagmamadaling pumasok sa isang pulang sasakyan at halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasara nya ng pinto at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. 'What's with him?' Takang sambit ko.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang lalaking yun at naisipang umupo sa isang bench na nandito lang din sa may parking lot at dito na din maghintay kay Mike.

Naalala ko bigla yung Mike Sandoval na nagchat sa akin sa facebook dati. Halos magkandadapa at magsungasob na ako sa hagdan maicharge ko lang ang cellphone ko at mabasa ko ang mensahe. At sa kasamaang palad nagpapalike lang naman pala ng profile picture nya! Like what the heck! Hindi sya si poging kuyang driver! Tiningnan ko pa ang profile nya at nagkasala lang ako sa sobrang pamumula ko. Hindi naman kagwapuhan ang kapal mg mukhang magpalike ng profile picture nya! Iniunfriend ko nga! Oh di ba? Ang galing ko.

Naputol ang pag iisip ko ng may nagsalita sa harapan ko.

"Hey!" Ngumiti lang ako at hindi ko sya binati pabalik.

"Let's go?"

"sige" maikli kong sagot.

Iginaya nya ako patungo sa kulay asul na sasakyan. Hindi ko alam kung anong model ito dahil una sa lahat wala akong hilig sa mga sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan.

"Be careful" malumanay na sabi nya habang pumapasok ako sa loob. wala sa sariling napangiti ako. 'Gentleman ang isang ito'

Isinara nya ang pinto ng komportable na akong nakaupo. Umikot sya sa kabila at umupo na sa may driver seat.

"So, san mo gusto kumain?" Napalingon ako sa kanya..

"Kahit saan. Ikaw na ang bahala." Sagot ko ng nakangiti kahit di naman nya nakikita. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

'Shet!kakain talaga kami ni Poging kuyang driver sa labas!' Ako at sya? OMG! Date ba ito?! kami lang dalawa! Seriously?! I'm so kinikilig.

"We're here." Bumalik ako sa katinuan ng magsalita sya.

Dinala nya ako sa isang restaurant. Napatingin ako sa suot ko. Nyak! Bagay ba ng mga ganito? Jeans plus shirt and sneakers? Hala naman!

Wala na akong nagawa kung di ang tuluyang bumaba sa sasakyan.

"It's fine."

"Ha?" Wala sa sarili kong sagot. "Anong it's fine, it's fine ka dyan?" Nagtataka kong tanong.

"Your dress,it's fine. Actually, it's beautiful,bagay sayo." Napamaang na lang ako sa sagot nya.

Hindi na ako nag inarte pa at nagmartsa na sa loob ng restaurant kung saan mapapaligiran ka ng mga babaeng nakadress.








-m-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mending A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon