Two

21 1 0
                                    

Chapter Two

Breighanna's POV


🎵...I'm a barbie girl! In a barbie world!
Like a plastic, it's fantastic!
You can brush my hair, undress me e- 🎵

Madiin kong pinindot ang button ng alarm clock ko para mamatay. Tss. Akala ko pa naman mauunahan ko ito!

I stretched out my arms in bed bago bumangon. Nagpatunog ako ng mga buto-buto para mas magising pa ang diwa ko. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya at naligo. Pagkatapos ay nagprepare na'ko papuntang school. Mukhang ngayon lang ako tinamad bumangon para sa unang klase ah. Ganito siguro talaga ang feeling kasi last year ko na'to sa high school.


I looked at the mirror. Inayos ko ang mga nakatabingi sa uniform ko at ang gusot sa palda ko bago bumaba.

Natanaw ko si Manang na nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Ningitian niya'ko nang makita rin ako.

"Oh hija, halika na dito".

"Si mama po?", tanong ko nang igala ang mata ko sa kusina. Tiningnan ko si Manang habang nakaturo sa library. Kumunot ang noo ko.

"May kausap lang sa telepono", aniya. Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at umupo na.

"Mauring...", boses ni Mama. Napatingin ako sa bandang library. Pinigilan ko na sa manang at nagpresintang ako nalang ang pupunta kay mama.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakatingin sa pintong pinasukan ko, "anak?".

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi, "good morning po!", masiglang bati ko.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Hinawakan ko ang siko niya at inalalayang maglakad.

"Excited ka na ba sa bagong school mo?", tanong niya habang naglalakad kami ng mabagal. I usually don't have the string of patience at all times but when it comes to her, I'm willing to tie all the ropes of it just to lengthen it with her. Hawak niya sa kabilang kamay ang tungkod habang iwinawasiwas ito sa bawat madaanan niya.

" Hmmm.... Medyo po".

"Bakit naman medyo lang?", pabiro niyang tanong at tumawa. Natawa narin ako, "dapat maexcite ka parin kasi bago na naman ang school mo".

"Yun na nga po. Bago na naman ang school. Nakakasawa rin, ma", napawi ang ngiti ko. Huminga ako ng malalim at pilit nilunok ang barang namuo sa lalamunan ko, "kung hindi dahil kay Dad edi matagal na sana akong natapos".

Ngumit nalang si mama ng malungkot at inangat ang kamay niya. Kinuha ko iyon at nilagay sa pisngi ko.

"Sorry nak, ha? This is not the life I wished for you before", sabi niya. Umiling-iling ako na para bang nakikita niya iyon.

" Ma, you're not the one who'd say sorry. You have no fault kung ang inihihingi mo ng tawad ay ang pagsadlak natin sa ganitong sitwasyon, okay?", patunog akong ngumiti para malaman niya, "tama na nga po! Hehe".

Nang makarating kami sa hapag ay nagsimula narin kaming kumain. Pagkatapos ay agad naman akong nagpaalam sa kanya at kay manang para umalis.

Hindi ko maiwasang bahain ng pawis sa noo dahil sa matinding sikat ng araw. Kamalas-malasan namang natapat ako sa side ng jeep kung saan tumatagos ang sikat na araw. And worst, mabagal lang takbo nito dahil sa traffic! Tss.

Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon