Nine

32 1 0
                                    

Chapter Nine


"Good morning, class", malaki at baritonong boses ni As- Sir Ash. Pabulusok ang pasok niya sa loob ng room at pabatong inilagay ang syllabus sa lamesa. Inupo niya ang kanang hita sa lamesa habang ang isa ay nakatukod sa sahig. Naglakbay ang paningin niya sa buong room at agad namang nagsipayukuan ang mga classmates ko.

Bad mood siya. Kitang-kita kung pa'no magsuntukan ang kilay sa sobrang kakunutan ngunit hindi naman iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. He even looked cute with that expression. Wala sa sariling napangiti ako sa kawalan.

"What are you smiling at, Ms. Madrid?", napaigtad ako nang banggitin niya ang apelido ko. Masama ang tingin niya sa'kin habang ang mga classmates ko ay isa-isang naglingunan sa 'kin.

Agad akong nagbaba ng tingin at umiling, "n-nothing, Sir". Nga pala, sa loob ng classroom ay dapat estudyante niya lang ako at guro ko siya. Our sexual connection will always be out of this room. Yan ang sinabi niya kagabi bago ako bumaba ng kotse at nagmadali pabalik sa'min.

"Okay, class. Anong gagawin nga natin ngayon?", nakahinga naman ako ng maluwag matapos sabihin iyon. Mukha namang napawi ang tensyon sa atmosphere dahil naging mahinahon narin ang boses niya.

"Election of officers po", sagot ni Clarie na nasa unahan nakaupo.

"Right!", tumayo siya at kinuha ang pentelpen sa loob ng cabinet. Inangat niya ito, "so who'll be the temporary chairman para magsulat sa board?".

"Sir!", napatingin ako kay Emma na boluntaryong nagpresinta. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang pentelpen mula kay Sir. Nangisay pa siya sa kilig nang tumalikod si Sir sa banda namin. Natawa kaming lahat sa kanya.

"You may start", ani Sir at naglakad papunta sa likod, sa pinakalikod, SA TAPAT KO!

Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan kasi mukhang may binabalak siya eh. Pwede naman kasi siyang umupo nalang dun sa lamesa niya at mag-observe. Pero pinili niyang pumwesto sa di-kalayuan sa'kin habang prenteng nakapamulsa. Bigla siyang tumingin sa'kin at sumilay ang naglalarong ngiti sa labi niya. He even licked his lower lip!

Tangina! Akala ko ba iiwan namin sa labas ang namamagitan samin? Why does he seemed that he's seducing me?

Nagsimula narin ang election at hindi ko na uli siya tiningnan noon. Nagfocus ako sa harap. Pero nadidistract ako sa palakad-lakad niya sa kabilang side hanggang sa likod ko. Ang masama pa, sinasadya niyang daanan ng daliri ang nakalugay kong buhok sa likod. Hindi ko nalang siya pinansin at tinitigan nang hindi kumukurap ang magandang mukha ni Emma na nakikitawa sa mga boys habang nagsusulat ng mga nominated sa board.

"Ako!", piglang tumayo si Airish at tiningnan ako, "I nominate Breighanna Madrid for President", saka nakipaghigh five sa'kin.

Sinalo ko iyon ng wala sa sarili, "what the hell was that, Ai?".

Kinindatan niya ako, "that was hell, Breigh! Hahaha! Joke! Ito naman! Wag na maarte! As if naman madami kang tatrabahuin", nakipag-apir uli siya pero hindi ko sinalo at ningiwian ko lang siya. Kinuha niya ang kamay ko at siya na nag-apir sa kamay namin.


Ikalawang araw palang ito pero nakilala ko agad silang dalawa ni Emma. Kung yun ay maingay na weird, ito naman tahimik na weird. Parehas silang weird.

Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon