Twenty One

18 1 0
                                    

Chapter Twenty One

Breighanna's POV


Pagkatapos naming mag-usap-usap tungkol sa mga detalye ng kaarawan ni Maggie ay naghiwa-hiwalay narin kaming lahat.


Pero syempre, hindi si Derick.


"Derick, it's okay. I can just find a cab here", kanina pa'ko tumatanggi sa alok niyang ihatid ako. He kept convincing me kasi hindi daw safe.


"Breigh, yeah I know you can find a cab pero makakatipid ka atleast...".


Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinatong ko ang isa ko pang palad.


"Derick, ayokong makaabala, okay? You have to go home now alam kong pagod tayong lahat. Sige na...", pinababa ko pa ang boses ko at inutusan siyang parang nakababatang kapatid. Nang akto kong bibitawan ang kamay ko ay hinigpitan niya ito.


Napaangat ako ng tingin sa kanya. Halos mapasinghap ako nang hilahin niya pa'ko papalapit sa kanya.


"D-Derick...".


Madiin ang mga titig na ipinupukol niya sa'kin. Para bang pinapanood niya lahat ng reaksyon ko sa mukha. Nakaawang ang bibig niya nang dumako ang tingin niya sa labi ko. Doon ako nag-iwas ng tingin at sinubukan uling alisin ang mga kamay ko.


"Derick, please, I-I wanna go home...".


"Breigh, ihahatid kita. Gusto kitang ihatid, please...", lumuwag ang hawak niya sa mga kamay ko pero ang isa ay nasa baba kong inaangat niya.


Tumingin ako sa paligid para maghanap ng anumang rason para makaalis na. Hindi ko kaya ang mga kilos niyang kakaiba. I'm not used to him acting as serious as this...


"Come on, Derick stop this...", I plead, almost whispering.


"Why, Breigh? Why would I stop? Anong nagpipigil sa'yo?! Can't you just give my chance?", naiirita niyang wika. Bumitaw ako sa hawak niya at sinapo ang noo ko. Malayo kami sa gate pero hangga't maaari ay walang pwedeng makakita sa'ming ganito. Lalo na si Jaybrune. Hindi ko alam kung anong oras sila matatapos. I can't just text him in front of this boy.


"Derick... Ayoko lang u-umasa ka...".


"Bakit mo ko pinangungunahan, Breigh? Gusto kitang ligawan, please. I can eve-".


"Derick, ano ba?!", singhal ko. Napapikit ako at agad nagsisi sa pagtataas ng boses. Muli akong bumaling sa kanya, "Derick, I'm a complicated person. W-Wala akong planong magboyfriend. Wala iyan sa mindset ko ngayon dahil m-may mga ibang bagay akong iniisip".


"Breigh, I really like you. Please, promise, I won't be a hindrance to your studies.. Just give me my chan-".


"Derick, I said-".


"Breigh! Ang sabihin mo MAY IBA KA NA!", napaawang ang bibig ko sa bigla niyang pagsigaw, "may iba ka na! Bakit hindi mo pa ko diretsuhin?".


My heart suddenly pumped.


Nilapit niya ang mukha niya mukha ko hanggang sa magpantay ang mga mata namin.


Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon