Twenty Two

12 1 0
                                    

Chapter Twenty Two


Di kaya n-nakita niya kami ni D-Derick kanina??


Pero pinalis ko ang isipang iyon. Imposible. Jaybrune won't drown himself on liquors just because of what happened lately! Kung nakita o narinig niya kami, he might have scolded me directly, right?


Umupo ako sa couch na kinauupuan niya rin. Nagsialisan narin ang mga taong nakiusyoso dito at nagpatuloy sa mga ginagawa na parang wala lang. Tahimik rin kaming minamasdan ni Tristan at ng dalawa niya pang kasama. Ningitian ko sila.


"Ikaw pala si Breighanna, I'm Zonic", tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay, "eto naman si Blue. Magbabarkada kami".


Tulad ni Sir Tristan at ni Ash, matitipuno ang pangangatawan nila Zonic at Blue. Mukhang mga mayayaman ayun narin sa porma at itsura.


Binalingan ko uli si Ash at tinapik ng mahina sa mukha.


"Jaybrune", inuga ko pa siya sa braso at inangat ang mukha niya, "Ash. Gising. Huy".


Umungol siya ng mahina bago dumilat.


"Breigh?", umayos siya ng upo at kumurap-kurap at mukhang nagliwanag ang mukha, "Breigh.... BREIGH!".


Kinuha ko ang kamay niya at ngumiti. Nagulat ako ng bigla niyang dalhin ang kamay namin sa labi niya at hinalikan ang palad ko.


"A-Ash...", pigil ko sa kanya. Hindi ko matingnan ang tatlo sa likod ko dahil sa kahihiyan.


Hinila niya 'ko sa kanya kaya natumba ako at napaupo sa hita niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.


"A-Ash...sandali...", pinilit kong kumawala sa kanya, "...sandali lang. Kailangan mo ng umuwi".


Hindi siya kumibo pero naging maluwag ang yakap niya. Sinikap kong tumayo at umupo sa tabi niya.


Tumingin ako kay Sir Tristan, "Uhh... may kotse po ba si Ash?".


"Oo. Why?".


"Ako nalang mag-uuwi sa kanya sa apartment niya. I can drive there", pinahid ko ang butil butil ng mga pawis sa noo ni Jaybrune ng palad ko.


"S-Sige. Salamat talaga Breigh. Anyway, dali tulungan ka namin. Zonic, Blue!", tumayo sila para buhatin si Jaybrune. Tumayo narin ako pero hindi rin naging madali dahil hindi niya ako binibitawan.


"Ash, sandali lang pare, ihahatid ka namin sa kotse. Let go of Breigh first".


"No.. No.. Breigh, please no", si Jaybrune.


Yumuko ako at hinawakan ang kamay niya, "Jaybrune, listen, you need to go home, okay? We have to bring you in your car", kinapa ko ang bulsa niya, "where are your keys?".


"Baka nasa likod...", si Blue. Kinapa ko ang likod niyang bulsa at kinuha iyon. Nabitawan narin ako ni Jaybrune dahil buhat buhat narin siya nila Zonic at Sir Tristan.


Pahirapan ang paglabas namin dahil pati ang hindi sakop ng dancefloor ay sinasayawan narin ng mga tao. The disco is on it's peak kaya kahit ang daanan ay napuno narin ng tao.


Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon