Fifteen

22 1 0
                                    

Chapter Fifteen

Si ate Lau ang tinamaan ng bottle at dinare ko siya. After that, hindi na mawala sa'kin ang tanong ni Derick. It keeps on popping up my mind na tila ba hindi ako pinatatahimik nito. Sumulyap ako kay Jaybrune at binigyan siya ng mabigat na tingin. Pumikit uli ako at pilit na iniaalis sa kadiliman ang konting hilo. Hindi ako uminom ng marami kasi maaga ang balik ko sa bahay bukas. Mom would call me multiple times I couldn't go home on time.

The "spin the bottle" game went on and on until halos lahat ay higang-higa na sa kama.

"I'll shtop the whole world! I'll shtop the WHOLE WORLD! from turning it..aacckk!..to a monster..Breigh, abot mo!".

Napadilat ako sa marahang pagpisil ni Vivian sa hita ko. Tiningnan ko ang boteng tinuturo niya bago iabot sa kanya iyon. All of them are already wasted. Si Mariz nakayuko sa kanyang mga braso, si Derick ay tumayo dahil nasusuka, si Kuya Tristan ay hinihila si Ate Lau patayo na ngayon ay nakapikit na talaga. Natuwa ako dahil kahit naaout of balance na si Kuya ay pinipilit niyang buhatin ito in bridal style.

"Why the hell are you smiling at Tristan?", napaigtad ako sa bulong ni Jaybrune. His face is closer to me now, as if he doesn't care if somebody might see us.

Tinulak ko siya, "lumayo ka nga", mariing bulong ko rin sa kanya. Buti nalang hindi pa bumabalik si Derick dito. Kinuha ko ang mga bote at isa-isang tinabi.

"Why would I? We have an agreement, Breighanna..", he said in a hoarse voice. Hinila niya ang gilid ng tshirt ko palapit sa kanya, "uwi na tayo.."

"Anong tayo?! Tss. Hello? I'm staying here til tomorrow", sagot ko naman. Siniko ko siya nang matanaw si Derick na pasuray-suray nadin sa paglalakad.

"Vivian", dinaanan niya si Vivian at kinalabit, "Viv, I'm going home".

"Hmmm...", tango nalang ng nasagot ni Vivian nang nakapikit. Yumuko si Derick saglit at tumayo. Nang maaout of balance siya ay mabilis akong tumayo para saluhin siya. Napayakap siya sa'kin.

"B-Breigh...", nagulat ako nang humigpit ang yakap niya sa'kin dahilan para muntik narin akong matumba sa kanya.

"Ihahatid na kita", malamig kong tugon at inayos ang pagkakatayo niya. Inayos ko ang braso niya sa balikat ko at nagsimulang humakbang.

"H-Hey...where the he-", mabilis kong tinitigan ng masama si Jaybrune nang umapila siya. Hala! Kahit lasing basta't tawag ng laman... Tss.

Umiling ako sa kanya habang nilalagpasan. Naging madilim naman ang tingin niya sa'kin. Nagflex pa ang panga niya. Kinabahan ako, pero dapat maintindihan niyang kailangan ko 'tong gawin. Sa lahat kasi, ako lang ang matino at pwedeng ayusin at linisin ang pinagkalatan namin. O baka nga ito talaga ang purpose kung bakit pinapaovernight ako ng bruhang Vivian eh alam niya kasing hindi naman ako palainom? Babatukan ko siya pagconscious na siya.

Hirap akong ilakad si Derick dahil sa bigat niya. Nasa'kin na kasi ang weight niya kaya pati ako napapasuray narin sa paglalakad.

"Derick, umayos ka muna! Tatawid nalang tayo oh! Tss", reklamo ko sa kanya.

"Hmmm...", napalayo ako ng bahagya ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"D-Derick!..ano ba...umayos ka!", pasinghal kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako ng mokong.

Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon