Eighteen

11 1 0
                                    

Chapter Eighteen

Hell week ika nga. First grading palang ay ang challenging na nang mga test. Para talaga kaming nasa college. Nababato-balani na nga kami sa hirap ng exams ng mga subject.

Pero kahit papa'no ay magaganda naman ang mga resulta ng exams namin nung nakaraang linggo.

"GUYS!", sigaw ni Emma. Kasalukuyan kaming tumatambay na tatlo sa bench ng Greenpark na nasa sentro ng buong school. Kahit mainit ay hindi naman kami pinagpapawisan dahil malakas naman ang hangin.

"Emma Mary! Wag ka ngang sumigaw! Parang ang layu-layo namin ah?", reklamo ni Airish. Inayos ko ang strap ng bag ko dahil lumuwag ito bigla. Mukhang sira na ito.


"Oh eh pwedeng magsorry?", sarkastikong tugon naman ni Emma tsaka nagpatuloy, "me sasabihin kase ko! Nasa'n na ba sila?", tukoy niya kila Erica.

"Hahabol sila- oh ayun na pala si Derick!", turo ni Airish sa likod ko.

Umayos ako ng upo dahil nararamdaman ko ang tense sa katawan. Lagi nalang. Pag nakikita o naririnig ko si Derick ay kinakabahan ako. I used to be comfortable with him but now, everything feels odd when he's near me. Hindi ko alam kung pa'no gagawan ng hakbang ang mga pinapakita niyang gestures. He obviously know something, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi. Pero hindi siya nagsasalita! It's making me crazy na parang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko. As if he was playing with my feelings.

Naramdaman kong tumabi siya sa'kin.

"Hi Breigh!", umakbay siya sa'kin. Aalisin ko na sana ngunit baka bumanat siya ng kung anu-ano. Ningitian ko lang siya.


Hinampas siya bigla ni Airish, "wag ka nga kay Breigh! Ikaw! Napaghahalatang may gusto ka eh!", asar niya.

Tapos bumaling sa'kin si Derick, "bakit? Okay lang naman ah? Single ako, single siya", turo niya sa'kin, "diba Breigh single ka naman?".


Sa tono at itsura niya ay mukha talaga siyang nagtatanong na parang walang ibig sabihin. He's acting like a pro. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ko siya makumpronta kasi minsan parang wala lang kung magsalita siya tapos minsan naman eh makahulugan ang mga salita at ngisi niya. I don't know if he really knows the truth...

"Oo", walang pag-aalinlangan ko paring sagot. Well technically, I'm single. Jaybrune and I is just into our agreement, his so-called revenge na ewan ko kung kelan matatapos. Kung hindi lang ako nag-aalala sa grades at reputasyon ko ay hindi ko papatulan ang banta niya.


Pero gusto ko siya. Gusto ko na siya. And I was hoping that someday we'll not live in an agreement. That we truly feel the need the arms and love of each other... pero syempre hindi. I know time will come that he'll trash me out, lalo na ngayong nakuha niya na ang virginity ko. But I don't have regrets that I gave myself to him. Afterall, he was worth it.

"See? Told you!", inuga ko kunyari ang balikat ko para tanggalin nya ang pagkakaakbay sa'kin. Bukod sa nabibigatan na'ko ay naasiwa narin ako. So tinanggal niya naman.


Wala na kaming pasok, actually. Pwede na nga kaming umuwi eh kasi may emergency meeting ang lahat ng teachers and staff ng school sa Auditorium. Nag-aya tumambay si Emma kasi may sasabihin rin daw si Maggie tungkol sa details ng nalalapit niyang kaarawan.


Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon