Sixteen

14 1 0
                                    

Chapter Sixteen


Weeks passed at mas lalo kaming naging busy. We've been preparing for first periodical test for the entire week. Kami? Halos tumambay na'ko sa library just to research, justify, or prove whatever the topics that will be tackled on exams.

"Ayoko naaaa!!!", bugnot na bugnot ang mukha ni Emma at padabog na sumalampak sa upuan. Lumikha ito ng ingay kaya sinita agad siya ng librarian. Palihim niya itong inirapan.

"Emz, hindi parin ako makapaniwalang 200 items ang exam...", wala sa sariling usal ko. Yeah, you read it right! 200 f*cking items! Who would work for that?!

Mukha talagang pinanindigan ng Centrolopez ang pagiging "unique" na school. Araw-araw, iba-iba ang subjects na irereview. Gaya ngayon, Math subject naman ang nireview namin kanina at ngayon naghahanda kami sa unit test naming 100 items!

"Oo nga. Kahit man lang si Sir Ash hindi nagpaawat. Tss. Kahit man lang sana may 25 bonuses tayo!", maktol naman ni Airish. Halos hindi kami magkakitaan dahil sa dami ng libro namin sa harap.

"Parang naubos na natin ang math na libro sa mga shelves pero hindi parin natin makita yung dalawa pang formula ah...", ako.

"Di kaya niloloko lang tayo ni Sir?", ani Emma na mukhang seryoso pa. Hinampas siya ni Airish.

"Nukaba! Grabe naman magbiro si Sir eh halos maghemorrhage na tayo sa kakasolve ng mga checheburecheng pinapasolve niya! Sino naman kayang pesteng mathematician ang nagpauso ng concept na yan na maraming klase ng solutions?".

Buntong-hininga nalang ang tugon namin. Halos isa-isahin namin ang mga pahina ng mga libro para lang makita yung dalawa pang solutions na hinahanap namin.

"Look who's here...", biglang nagsalita si Airish sa gitna ng pagbebrain storming namin sa mga pahina. Nilingon namin ang pintuan.

Si Jaybrune or well, Sir Ash. Fresh na fresh ang dating niya na para bang kalalabas lang ng banyo. Ngumiti siya ng matamis sa librarian na ginantihan naman nito ng mas matamis na ngiti. He is really the Adonis version of our school. Ang lakas ng dating niya na hindi mo kailanman maaalis ang titig mo sa kanya hanggang sa mawala na siya mismo sa paningin mo. He's so hot as hell! I can even see the girls na kulang nalang maging literal ang pagtulo ng mga laway nila habang sinusundan siya ng tingin.

"Oh ano ka, Breigh? Yan ba ang hindi gwapo? Yan ba ang hindi hot? Yan ba ang hindi nakakalibog?", sunud-sunod na pasaring sa'kin ni Emma nang mapansin yata ang titig ko sa propesor. Tiningnan ko siya ngunit iniwas agad ang tingin.

"Oh so tatanggi ka pa? Che! Maghanap ka pa ng ibang book dun friend, baka sakaling makita na natin ang gintong solusyon na yan!", nagbalik sa dati ang atmosphere sa loob ng library nang pumasok na sa mga shelves si Ash. Kanina kasi literal na natigil talaga ang mga tao pagpasok niya, well except the guys na nagreresearch rin.

Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon