Twenty

18 1 0
                                    

Chapter Twenty


White Angels isn't really a long drive. Pero bago ako pumunta doon ay dumaan muna ako sa bahay.


Hindi ko na masyadong inayos ang pag park sa kotse dahil dadaanan ko lang naman ang mga flowers. Nauna nang dumalaw si Mama sa puntod. Dumaan narin siya sa flower shop para sa ibibigay ko naman pagpunta ko doon.


As long as I open the door, nakita ko si Tanya na nakapikit sa couch ng sala habang kaharap ang isang lalake. Hindi ko ito mamukhaan sa likod nito kaya lumapit pa'ko.


"K-Kuya...", sambit ni Tanya ng makita ako. Kumunot ang noo ko nang maulinigan ang mga pasa sa ibabaw ng kilay at sa gilid ng labi nito. Mabilis ko siyang dinaluhan.


"What the hell happened to your face?", bulalas ko. Tumingin siya sa kaharap niyang lalake, na noon ko lang rin napagtuonan ng pansin, "and who is this?", turo ko sa lalake.


"Uhh.. This is Warren.. Ren, siya yung kuya ko. Si kuya Tristan", pakilala ni Tanya. Mabilis naman tumayo yung Warren at magalang na nakipagkamay sa'kin.


"A-Ahh...N-Nice to m-meet you, po", sabi niya na nauutal pa habang inaayos ang makapal na salamin. The boy looks nerd at wala man lang kalakas-lakas tingnan, but he seemed nice kaya hindi ko na kinilatis.


"Ikaw din", malamig kong tugon at bumaling kay Tanya, "oh anong nangyari jan sa mukha mo, Tanya?", I asked and crossed my arms.

Nang hindi makasagot si Tanya ay binalingan ko si Warren, "anong nangyari sa kapatid ko?".


Napanganga siya sa'kin at parang anytime ay iiyak. Seriously, lalake ba'to?

"U-U-Uhh...k-kasi-".


"I tripped", biglang sabat ni Tanya at tumikhim, "yeah I tripped. Sa ano-school. Sa may park", nauutal pa siya. Nagkatinginan silang dalawa. But of course, I don't believe her.


"Uh-huh?", I raised my eyebrow, "nauna ba iyang kilay at bibig mo sa lupa nang madapa ka? What about your knee?".


She rolled her eyes.


"Oh please Kuya! Alam ko namang hindi ka maniniwala! Tss. Wala. Basta!", sigaw niya bigla hinawakan naman siya ni Warren sa braso na parang pinipigilan. Tiningnan niya ito at dinuro, "don't touch me".


"S-Sorry...", Warren apologized. I don't know what's the real thing between these kids.


"Tss. Isusumbong kita kay Mama", banta ko.


"You don't have to do that. I'll tell her later by the way".


"Siguraduhin mo. Pag nalaman ko iyan, Tanya...", I leave a hint of warning in my voice while walking away from them. Bumalik ako sa service area para kunin ang bulaklak para kila Papang. Hindi na'ko umakyat sa taas kaya lumabas narin ako agad. Pagkapasok ko sa kotse ay tumungo na agad ako sa sementeryo.


WHITE ANGELS CEMETERY

Hindi mahirap hanapin ang mausoleyo ng grandparents ko. Sa bungad lang kasi halos ng sementeryo ang mga pwesto nito. Ito lang rin ang hiwalay na mauseleyo sa parteng ito. Pagkalapit ko ay nilagay ko sa ibabaw ng kanilang magkatabing puntod.


Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon