Eleven

23 1 0
                                    

Chapter Eleven


Jaybrune's POV

"Hi Ma!", sinalubong ko ng yakap si mama na nuo'y suot ang apron habang naghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin niya.

She kissed me sa cheek, "kumusta? Kumusta ang Centro?".

I shrugged, "well, gaya parin ng dati, ma. Pero mas lumuwag yata sila ngayon".

"Oh? But that should not be changed dahil yun ang naging dahilan para maging kakaiba ang Centro, right?", tumalikod siya at nagpatuloy sa paghihiwa ng talong, "sakto pala ang uwi mo dahil maggugulay ako".

"Asan po si Tanya?", tanong ko.

"Nasa taas yata. Aba'y puntahan mo nga yun, nung isang araw lang umuwi ng mugto ang mata. Hindi naman nagsasabi kung bakit siya nagkagano'n", si Mama.

Tumango nalang ako at umakyat sa hagdan. May konting siwang sa pinto ng kwarto ni Tanya ng madaanan ko. Bago ako pumunta sa kwarto ay kinatok ko sya.

"Bunso?", tawag ko sa kanya. Binuksan ko ng malaki ang pinto niya. Nakahiga siya habang nakatalikod sa banda ko. Hindi ko alam kung natutulog siya o ano.

"Bunso?", tawag ko uli. Umupo ako sa gilid ng kama niya.

"Mom, I said leave me alone", her voice cracked. Sinilip ko sya. Kaya pala hindi niya'ko marinig dahil nakaearphones. Naramdaman lang yata nyang may umupo sa kama niya.

"Bunso", tinanggal ko ang kumot na nakatabing sa kalahati ng katawan niya. Bumalikwas siya ng bangon at hinarap ako.

"MOM, I SAID LE- Kuya??".

Kumunot ang noo ko, "anong nangyari sayo Tanya?". Her eyes are puffing badly, her nose is red, "why are you like that?".

Nagulat ako ng bigla niya'kong yakapin kasunod nun ay ang impit na hikbi niya.

"K-Kuya...huhuhu...", niyakap ko rin siya at hinahagod ang likod.

"Bunso, what happened?", tanong ko sa malumanay na boses. Kumalas siya sa yakap ko.

Huminga siya ng malalim at umubo. She wiped the tears on her cheeks, "I talked to D-Dad".

Ewan pero biglang sumilakbo ang galit sa puso ko. He was the least person I want to hear in this world. Kumuyom ang panga ko at masamang tumingin sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wag makikipa-".

"Kuya! Just please! Hear me out first, okay?!", iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumayo. I don't really have the patience about that man kung kaya ay mabilis ko siyang iniwan sa kwarto niya. Her sob became louder pero hindi ko na siya nilingon pa. Dumiretso ako sa kama at patihayang humiga. Tumitig ako sa kisame at pilit na inaalis ang imahe ng ama kong babaero at inisip ang nangyari nung nakaraang araw sa school.

Lust And Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon