Chapter One:
"Excuse me? What is wrong with you? Like, c'mon! Alam kong sinasadya mo 'yun! Are you freakin' stupid?" sigaw ni Samantha kay Ashton ng nakapamewang.
Hindi makatingin si Ashton sa mukha ni Samantha habang patuloy siya nitong inaaway. Hindi sa natatakot si Ashton, hindi rin dahil sa ayaw niya sa gulo kundi dahil sa sasapakin na talaga niya si Samantha kapag nakita pa niya ang nangangapal nitong mukha dahil sa make-up.
"Ew, Samantha you're so dirty na. Amoy ponkan ka, ew. People that smells oranges from real oranges smells bad unless it's a perfume from VS or..." biglang sumingit si Samantha dahilan upang mapatigil sa pagsasalita si Lainey.
"Shut up! I don't need any of your critic. What I need is a sincere apology from mister pathetic ugly loser," ngumiti si Samantha kay Ashton, "Whatcha waiting for? Christmas? My time is so precious so hurry up!"
Ashton clenched his fist. Tinuruan siya ng kanyang tatay na huwag na huwag papatulan ang babae. Tinuruan siya kung paano gumalang at rumespeto sa mga babae, na dapat ay magpakumbaba pa lagi at huwag silang saktan o sigawan. He closed his eyes and drew out a breath. He counted one to ten.
One...
Two...
"Hoy Ashton? Nakatulog kana ba? OMG! You're such a pathetic ew! No wonder kaya ka laging bagsak sa mga test!" wika ni Samantha.
Three...
Four...
Five...
Dinuro-duro siya ni Samantha, "What the F is wrong with you? Are you ignoring the shit out of me?"
Six...
Seven...
Ei... No shit, I'm not gonna take this shit anymore!
"Shut up! Madahfacker!" Ashton raised my fist and smashed her face.
Napuno ng sigawan ang paligid. Natumba si Samantha, ang buhok niya tumabing sa kanyang mukha. Tumahimik sumandali ang paligid, lahat ay nakatingin kay Ashton na para bang naghihintay ng susunod nitong gagawin. Nanginginig ang laman ni Ashton, at alam niya na kung hindi niya gagawin ang pigilan ang sarili niya magagawa niya namang tadyakan si Samantha. Makalipas ang halos isang minuto ng katahimikan biglang sumigaw ng napakalakas si Samantha. Lahat ng mga mata ay lumipat sa kanya, unti-unting dumadanak ang dugo na galing sa ilong niya.
Pagkakataon na ni Ashton para tumakas, tumakbo siya palayo habang tinutulak ang mga taong humaharang sa kanyang daraanan. Dumiretso siya sa kanyang locker at kinuha ang mga gamit niyang importante. Lumabas siya ng eskwelahan at dumiretso sa may playground ng mga elementary students. Hingal na hingal siya at iniisip na niya agad kung anong mangyayari kapag bumalik siya doon.
Tuliro si Ashton, natatakot siya at kinakabahan sa maaring mangyari. Patatawagin ang kanyang guardian? Aabangan siya at ipapabugbog ng matapobreng tatay ni Samantha? I-ki-kick-out siya sa school? Samu't-saring mga scenario ang pumapasok sa isip ni Ashton. Napaupo na lamang siya sa ilalim ng malaking puno ng acacia at huminga ng malalim. Naisip niya na kung hindi noya ginawa ang pagsapak kay Samantha, malamang hindi pa iyon titigil sa pang-bu-bully sa kanya. Malamang ay magtitiis pa siya ng tatlong taon sa pangbubulas ng babaeng iyon at pagkatapos non pa lang siya makakatakas sa highschool.
"Wanna play?" isang batang babae na may ipit na hello kitty ang lumapit kay Ashton.
Naka-uniform ito ng pang-kinder. Maputi ito at mukhang mayaman. Hawak-hawak nito ang maliit niyang bag na hello kitty, bukas ang zipper nito at nakita ni Ashton ang isang bar ng Tobleron.
BINABASA MO ANG
Someone Save Rosie (COMPLETED)
Horror"Because sometimes imaginary friends needs you for their unfinished business." Hindi makapaniwala si Ashton ng mabasa niya ang isang talata mula sa isang diary na inuwi ng kanyang asong, si Max. Palala ng palala ang mga nakasulat dito hanggang sa na...