Chapter Two:
Napabuntong hininga si Allison ng makita niya kung gaano kahaba ang pila sa Mcdonald's. Kinapkap niya ang bulsa ng kanyang pantalon at ng maramdaman niya ang cellphone niya ay agad niya itong nilabas. She dialed Verna's number, her bestfriend.
"Hello? Verna? Nandito ako sa Mcdo. Nako napakahaba ng pila! Sa ibang fast food na lang ako magte-take out."
"Yes, sure. Hinihintay ka namin ni Rosie dito. Rosie is so excited to meet you," wika ni Verna.
Naririnig ni Allison ang paulit-ulit na tanong ni Rosie kung sino ang kausap ng mama niya. Napangiti siya at naramdaman niya ang magkahalong kaba at takot. Huli niyang nakita ang mag-ina ng pumanaw si Henry ang asawa ng bestfriend niya. She's so excited to spend time with them but she's also scared of the changes that might took the two of them.
"Okay, mabilis lang ito. Tatakbo na ako," Allison giggled, "Sabihin mo kay Rosie makikita na niya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."
Verna laughed, "Talaga lang ha? O sige na, bye na. Ingat ka ha, bilisan mo na."
"Yup, bye!" wika ni Allison.
Inilagay na ni Allison ang cellphone sa kanyang bulsa at naglakad palabas ng Mcdo. She slowly breathe in and out. She kept telling herself that everything will be fine.
Sumakay na si Allison sa kanyang kotse at nag-drive na papunta sa condo kung saan nakatira ang mag-ina. She blasted the stereo at sinabayan niya ang isa mga paborito niyang kanta ni Taylor Swift. Pagka-park ni Allison ay agad na siyang sumakay sa elevator at pinindot ang number four.
"Alli, everything will be fine so please calm down," sabi niya sa kanyang sarili.
She encircles and twirls her curly hair in her finger. Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa plastic ng take-out na pagkain na binili niya para sa kanya at sa mag-ina. Ng bumukas ang elevator ay dali-dali siyang lumabas dito at hinanap ang pinto na may nakalagay na 406.
Pinindot niya ang doorbell at wala pang limang segundo ay bumukas na ang pinto. Isang batang babae ang nagbukas ng pinto. Mahaba at straight ang itim nitong buhok, mapupungay ang nga mata nito, maputi rin siya at payat. Ito na siguro si Rosie, naisip ni Allison.
"Hi Rosie, It's nice to meet you!" bati ni Allison.
Binigyan siya ng isang malawak na ngiti ni Rosie. Binuhat siya ni Alli at inuupo sa sofa. Sakto namang lumabas mula sa kusina si Verna, ang nanay ni Rosie. Nagyakapan ang dalawang mag-bestfriends.
"Verna! Na-miss kita, jusko! Kamusta kana?" sabi ni Alli habang yakap yakap ng mahigpit si Verna.
"Okah naman kami ngayon ni Rosie, Alli na-miss din kita. Saan ka ba nanggaling? Ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin," wika ni Verna.
Kumalas sila ng yakap at sabay na nagpunas ng luha bago pa ito tuluyang tumulo. Nagtawanan sila at naghawak ng kamay. Patuloy silang nagkamustahan sa isa't-isa habang si Rosie naman ay nakangiti sa kanila.
"I just came back from England. Napaka-busy ko doon, ang hirap mabuhay sa ibang bansa! Nako, Verna sinasabi ko sayo," wika ni Alli sabay upo sa tabi ni Rosie.
"Ganoon ba? Buti ka pa, kung saan saan ka nakakarating. Kami ni Rosie, ito nandito lang. Na-stuck na kami dito simula ng pumanaw siya..." napatingin si Verna sa kanyang wedding ring.
Tears are starting to form in her eyes. Alli stood up and gave her bestfriend a tight hug.
"Nako, ayaw ko ng drama ha."
Verna hugged back, "Sorry. Anyway, tara na kumain na muna tayo. Nagluto ako ng masarap na pagkain."
"Paano naman itong take-out ko?" simangot ni Alli.
BINABASA MO ANG
Someone Save Rosie (COMPLETED)
Horror"Because sometimes imaginary friends needs you for their unfinished business." Hindi makapaniwala si Ashton ng mabasa niya ang isang talata mula sa isang diary na inuwi ng kanyang asong, si Max. Palala ng palala ang mga nakasulat dito hanggang sa na...