Chapter Eight:
"Sa Antipolo ito? Geez, paano natin mahahanap itong address na nakalagay dito?" sabi ko habang binabasa ang piraso ng papel.
"Ano ka ba? Alam ko 'yung lugar na 'yan. Actually, 'yung lolo ko malapit d'yan ang bahay. But, hindi pa ako nakakapunta d'yan, naririnig ko lang 'yung lugar na 'yan. Pwede naman tayong magtanong-tanong pagkarating doon," sagot sa akin ni Fred.
Tumahimik sumandali ang sasakyan. Tingin ko malapit na kaming makarating sa destinasyon namin dahil ilang oras na rin kami dito sa sasakyan. Seryosong nagda-drive si Tita Verna habang si Rosie naman ay tahimik na naglalaro sa Ipad niya. Tumingin ako sa labas ng bintana. Grabe ganito ba talaga dapat ka-boring dito?
Ang tindi ng sikat ng araw. Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang past 12 na. Gutom na ako, kaso nakakahiya naman magsabi. Wala rin naman akong dalang pera. Hay, ang malas naman oh.
"Saan niyo gusto kumain?" tanong bigla ni Tita.
Nagliwanag ang mundo ko nung sinabi niya iyon. Sumigaw naman agad si Rosie na sa Jollibee daw, syempre bata kaya siya ang nasunod. Alam mo na? Baliktad na ang mundo.
Kumain na kaming apat doon. Tahimik lang kami at walang nagpapansinan. Konting tanungan tapos balik na sa pagkain.
"Ikaw Ashton? Anong trabaho ng magulang mo?" tanong ni Tita.
Napalunon ako at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Wala naman na akong magulang. Kaya ano pa ba ang masasabi ko? Ang mga mata nila ay diretsong nakatingin sa akin.
"Uhm, wala na po akong magulang. Namatay po sila noong bata pa ako," sabi ko.
Kitang-kita sa mukha ni Tita ang pagkabigla. Agad siyang humingi ng tawad. Para sa akin, okay lang naman. Parang wala naman na sa akin. Matagal ko ng tinanggap ang pagkawala nila. Kahit minsan naiisip ko bakit ang unfair, sila kumpleto ako hindi. Bakit sila may tatay at nanay? Bakit ako wala? Nakakalungkot din 'yun isipin kaya hanggat maaari inilalayo ko ang sarili ko sa mga ganoong isipin.
Pagkatapos naming kumain ay nagpalamig lang kami saglit sa mall. Kami ni Fred naglibot-libot, habang ang mag-ina naman ay pumunta sa Mercury pala bumili ng gamot sa hilo, medyo nagilo kasi si Rosie.
"You okay?" tanong sa akin ni Fred sakto ng pagliko namin dead end na pala.
Huminga ako ng malalim, "Oo naman bakit? Mukha bang hindi?"
"Hindi ko alam, mukha e," hinawakan niya ang gilid ng leeg ko. Kinapa niya, "Wala ka namang lagnat."
Natatawa ako sa kanya, ang weird niya mag-alala, "Baliw ka talaga, syempre sasabihin ko sayo kapag masama pakiramdan ko."
Ngumiti siya sa akin at hinila ako papunta sa Family Mart. Hay, pagkain nanaman.
Bumalik na kami sa kotse matapos bumili ni Fred ng mga pagkain. Grabe, paano makakapag-diet ang taong ito kung maya't maya e lamon ng lamon. Pero kung ako ang tatanungin, mukha naman siyang healthy. I mean hindi siya mukhang lumba lumba, hindi naman ganoon kalaki ang tyan niya, malaki lang talaga ang pisnge niya.
"Okay na ba tayo? Let's go!" wika ni Tita.
Habang nasa byahe kami biglang tumunog 'yung cellphone niya. Sinagot niya iyon at tinanong kung sino ang tunawag. Take note, nasa telepono siya habang nagda-drive.
"What the hell Alli! Where are you? Leave us alone!" sabi ni Tita.
No, 'yung Allison nanaman na iyon?! Ang gulo ng pamilya nila. And what the hell, kung totoo nga ang sinabi ni Rosie tungkol sa babaeng ito pwes ba't ayaw pa siyang lubayan nito? Hindi ba dapat mahiya na siya sa pinaggagawa niya?
BINABASA MO ANG
Someone Save Rosie (COMPLETED)
Horror"Because sometimes imaginary friends needs you for their unfinished business." Hindi makapaniwala si Ashton ng mabasa niya ang isang talata mula sa isang diary na inuwi ng kanyang asong, si Max. Palala ng palala ang mga nakasulat dito hanggang sa na...