CHAPTER NINE

732 18 0
                                    

Chapter Nine:

Kinuha ko ang flashlight sa loob ng cabinet sa gilid ng sofa. What if something happened to Fred? Paano kung hindi namin siya mailigtas agad? Binuksan ko na ang front door at bago ako umalis ay sinabihan ko sila Tita na maiwan na lang dito.

"No! Hindi pwede! Sasama kami sayo, hindi ko hahayaang mag-isa kang lumabas. After all, kasalanan ko ito kung bakit napahamak si Fred," wika ni Tita ng nangingilid ang luha.

Tinapik ko ang shoulder niya at sinabing walang mangyayaring masama kay Fred. Lumabas na kami ng bahay. Madilim na sa gawing malayo dahil wala namang poste ng ilaw o kahit na anong source ng liwanag ang meron. Ang tanging liwanag lang na mayroon ay ang ilaw sa loob ng bahay at ang ilaw sa apat na sulok ng bahay sa labas nito.

Nagsimula na kaming humawi ng mga matataas na damo at umikot sa malalaking puno. Nakakatakot, hindi ko akalain na magagawa ko ito. Pero, fuck! Kaibigan ko iyon! Kaibigan ko 'yung dala-dala niya!

"Mommy, nakakatakot. It's so dark out here," wika ni Rosie.

"Ssh, 'nak okay lang 'yan. I got you baby," sabi ni Tita sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Rosie.

We ventured the woods for a couple more minutes. But, there is no sign. Walang kahit na ano. Nagsisigaw na kami at tinatawag ang pangalan ni Fred pero wala talaga. Wala ni paggalaw ng mga damo o kaunting ingay kahit konting clue wala talaga.

"I think we're lost," wika ko.

We stopped for a moment. Tinutok ko ang flashlight ko sa iba't-ibang direksyon gamit naman ni Tita ang flash ng cellphone niya.

"Yep, we are. Ashton, I think we should call the police. Tutal, mukhang wala naman sila sa paligid," sabi sa akin ni Tita habang si Rosie naman ay kapit na kapit sa braso ng kanyang nanay.

"May signal pa ba?" tanong ko.

She looked at her cellphone, "Konti, isang bar. Pawala-wala, but worth the try naman 'di ba?"

She started to press sone numbers. Ilang beses kami nag-try. Ilang beses siyang tumawag. Pero wala talaga ayaw makisama ng signal. I guess we have to solve this on our own.

"Wala talaga," inis na sabi ni Tita.
"No luck, kailangan na nating i-solve ito ng tayo-tayo lang," sabi ko.

Tita Verna nodded, sa mukha niya mukhang punong-puno pa siya ng determinasyon. Si Rosie naman ay mas mukhang hindi na komportable kesa kanina. She looks worried and nervous.

Nagdiri-diretso na kami ng lakad hanggang sa matanaw na namin ulit ang bahay. Napili muna naming pumasok sa loob ng bahay. Maybe to find anything that could help us. Kahit ano, i.d o anything na makakapagbigay impormasyon kung sino nga ba ang kalaban namin.

As we walk towards the house a weak groan has entered our ears. Parang isang lalaking nagpupumiglas. Hindi kaya...

Tumakbo kaming tatlo at agad na pumasok sa bahay. It's empty!

"Fred! Fred nasaan ka?!" sigaw ko.

The groan grew louder. Pumasok ako sa bedroom at doon ko nakita si Fred na nakatali ang kamay at paa. May nakataling tela sa kanyang bibig. Hindi siya makalapit sa amin dahil ang mga tali sa kanya ay nakatali sa isang poste.

"Fred, relax ka lang. We are going to get you," sabi ko at dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Umiling siya. Umiling siya ng umiling at parang nagsisigaw. Umiling siya muli ng humakbang pa ako. I stopped.

"Tingin ko may something d'yan kaya ayaw niya tayong palapitin," sabi ko habang nakatingin kay Fred, "What is it Fred? Anong meron d'yan? Sinong kumuha sayo?"

Someone Save Rosie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon