Chapter Five:
"Uhh, Ashton okay ka lang ba? O natuluyan kana?" tanong ni Fred sa kanya, ang bestfriend ni Ashton.
Muntik ng maibuga ni Ashton ang softdrinks na kanyang iniinom. Tiningnan niya si Fred ng masama.
"Alam mo nasa katinuan ako. Ikaw lang itong nag-iisip na wala ako sa katinuan ko. Seriously? Ikaw na bestfriend ko pa?" wika ni Ashton sabay kagat sa double cheeseburger niya.
Napakamot sa ulo si Fred, "Bakit? May iba ka pa bang kausap bukod sa akin at kay Max? At saka, magbestfriends ba tayo?"
Fred is Ashton's friend since elementary. Nagsimula silang magkakilala noong niligtas siya ni Ashton mula sa nga bullies. Tampulan kasi talaga ng mga bulas itong si Fred dahil sa kanyang itsura, tahimik siya, mataba at mahilig sa video games. Muntik ng mabugbog noon si Fred ngunit pinagtanggol siya ni Ashton.
"Oo naman! Bakit ayaw mo ba akong friends? Anyway, p're maniwala kana please. Totoo ang nakita ng dalawang magandang mata na ito," sabi ni Ashton, "I swear, ang creepy talaga nung bata. Biruin mo gabing-gabi na hinahanap niya pa rin 'yung diary niya. Kaya sure akong may madidilim siyang sikretong nakatago doon."
"Katulad ng kung sino ang secret crush niya?" sabi ni Fred.
"No, not that kind of stuff. Something weirder," clue ni Ashton.
"Her favorite underwear?" sagot ni Fred.
Humagalpak ng tawa si Ashton at halos lahat ng customer sa shop ay napatingin sa kanya, "Geez, men I knew you're a pedo."
"What the fuck men, hindi ha! Hinaan mo 'yang boses mo at baka akalain nilang totoo 'yang sinasabi mo!" pigil ni Fred.
"Okay, for real na. Nakita ko nga sabi sa personal 'yung nabasa ko sa diary niya and the creepiest part is nakasampa siya sa balikat ng bata," paliwanag ni Ashton.
Unti-unting nawala ang mapulang mukha ni Fred at napalitan ng putla. Medyo matatakutin din kasi ito kahit na favorite niyang maglaro ng horror games.
"Ano? Hindi ka ba naniniwala?" tanong ni Ashton.
"Nope, nope. Hindi ako naniniwala. Drop it Ashton. Hindi mo ako matatakot," sabi ni Fred habang umiling-iling, "Tell me the name of the creature."
Napaisip bigla si Ashton. Pilit niyang inaalala kung ano nga ba ang pangalan ng nilalang na iyon.
"Christine! Christine ang pangalan non," sagot ni Ashton.
Idinescribe ni Ashton ang itsura ni Christine batay sa nakasulat sa diary ni Rosie at sa nakita niya sa personal. Lalong tumahimik at namutla si Fred. Ng matapos magkwento si Ashton ay siya namang paglabas ni Fred ng kanyang laptop. Nag-type ito at ilang saglit lang ay iniharap kay Ashton ang screen.
Christine, still lost, flashed the screen.
"What's this?" tanong ni Ashton.
"Just read the article. Maikli lang 'yan," wika ni Fred.
In December 15, 2012 a girl named Christine was lost. Sinasabing isa ito sa pinakakaibang pangyayari kung saan nawala ang isang bata na walang ma-trace na ni-isang clues para mahanap siya.
Huling namataan ang bata ng kanyang mga magulang bago ito sumakay sa bus ng kanilang school upang mag-field trip. Pagkatapos non ay para bang nawala na ito na parang isang bula. Isa itong napakalaking misteryo kung saan man napunta si Christine ngunit sa kabila ng lahat na ito ay hindi pa rin tumitigil ang kanyang magulang na mahanap ang kanilang anak.
"Dude, that was fucked up," wika ni Ashton pagkatapos niyang basahin ito, "Pero bakit mo ito pinabasa? Hindi naman ata ito 'yung Christine na sinasabi ko e."
BINABASA MO ANG
Someone Save Rosie (COMPLETED)
Horror"Because sometimes imaginary friends needs you for their unfinished business." Hindi makapaniwala si Ashton ng mabasa niya ang isang talata mula sa isang diary na inuwi ng kanyang asong, si Max. Palala ng palala ang mga nakasulat dito hanggang sa na...