CHAPTER THREE

985 38 9
                                    

Chapter Three:

"Ma'am kayo po ba si Verna?" tanong kay Verna ng isang nurse.

Tulirong-tuliro si Verna na pumasok sa emergency room ng ospital habang hawak-hawak ang kamay ni Rosie. Hinanap niya agad si Alli at doon niya nadatnan si Alli na kinakabitan ng oxygen.

"Alli! Alli! Gumising ka! Alli!" sigaw ni Verna.

"Ma'am! Ma'am huminahon po kayo! 'Wag niyo siyang alugin!" pigil ng lalaking nurse kay Verna.

Naiwan si Rosie na pinagmamasdan ang mga nangyayari. Maya-maya pa ay dumating naman ang driver ng truck na naaksidente, nakabaliko ang paa nito at puro dugo ang ulo. Napahawak sa bibig si Rosie, kinilabutan siya at maluha-luha. Tuliro at nagmamadali ang mga nurse at doktor sa loob ng E.R madalas mabangga si Rosie ngunit parang wala na lamang ito sa kanya dahil sa mga nakikita niya.

"Doc! Doc! Dead on arrival!" sigaw ng isang nurse.

Ang driver ng truck ang tinutukoy niya. Hinila si Rosie ng kanyang mama upang sumunod aa kanya. Nakita niya ang kanyang Tita na nakahiga sa isang kama na may gulong at hinihila papunta sa isang kwarto.

"Ma'am you need to stay here. We need to start an operarion quickly. Please po kung may kakilala kayong kamag-anak niya paki-contact po. Wala po kasi siyang ibang contact sa phone niya kundi ikaw at ilang companies. Please help her," sabi ng nurse.

Tumango-tango lamang si Verna habang mahigpit na hinahawakan sa balikat ang kanyang anak.

"I will," wika ni Verna.

Pumasok na sa loob ang nurse at naiwan sa labas ang mag-ina. Pinunasan ni Verna ang kanyang luha at si Rosie naman ay nagsimula ng manginig dahil sa mga pangyayari. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.

"Anak, we need to make a call. Tara na, baba tayo gamit tayo payphone," sabi ng kanyang mama.

Habang hawak-hawak ng kanyang mama ang kanyang kamay ay 'di naiwasan ni Rosie na mapatingin sa likod. Nakita niya si Christine na kumakaway. Nakatayo ito sa gilid ng door ng operation room. Nakangiti ito ng sagad-sagaran habang unti-unting umaagos ang dugo mula sa pinto.

Pagkarating nila sa first floor ay agad na naghanap si Verna ng payphone. 'Di siya magkamayaw sa pagkuha ng phone niya sa kanyang bag at paghahanap sa contact list niya ng number ng kapatid ni Alli.

"Mom please relax... Mom I saw Christine," wika ni Rosie habang hinihila ng kaunti ang t-shirt ng kanyang mama, "Mom si Christine po, I think something bad is going to happen to Tita if we let Christine..."

"Rosie! What the hell are you talking about?!" sigaw ni Verna dahilan upang mapatigil ang bata.

Nanginig sa gulat si Rosie, ang mga mata niya ay maluha-luha. All she wanted is to help yet ganoon pa ang naging reaksyon ng kanyang nanay. Rosie felt frustrated and angry. She ran away from her mom. Tumakbo siya papunta sa E.R, nakipagsiksikan siya at kahit na anong tawag ni Verna sa kanya ay hindi nag-aksaya ng panahon si Rosie upang lumingon. She just kept on running and running hanggang sa narating niya ang labas ng ospital.

Lumanghap ng hangin si Rosie, malamig ang simoy at maingay sa labas. May mga ambulansya at mga reporters ang nagkalat upang mag-interview at kumuha ng video sa nangyaring aksidente. Nagtago si Rosie sa likod ng napakalaking puno ng acacia at hinabol ang kanyang hininga. She began to feel scared, sa sandaling iyon ay pinagsisisihan na niya ang kanyang ginawa. She began to cry, tears are falling down her well-sculptured face.

"Mom, help me," bulong niya.

Napaupo na lamang siya at pinagmasdan ang buwan. Sana makita ako ni Mama, sorry po. Gusto ko lang namang makatulong e, naisip niya. Huminga siya ng malalim at kasabay ng pagbuga niya ng hangin ay ang mainit naman na hininga ang dumapo sa kanyang batok.

Someone Save Rosie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon