CHAPTER SIX

864 18 0
                                    

Chapter Six:

"Mom, how long have you been friends with tita Alli?" tanong ni Rosie habang pinupunasan ang mga kahuhugas lang na baso.

Verna looked at her kid with puzzlement, "Uhh, we've been friends for more thirteen years."

Nag-vibrate bigla ang cellphone ni Verna sa kanyang bulsa. Agad niya itong kinuha at sinagot ng makita niyang si Allison ang tumatawag. She wiped her hands as she says hello.

"Allison! Yes, oo pwedeng-pwede ka pumunta dito," wika ni Verna, "Yup, nandito si Rosie. Uh-huh."

Ibinigay ni Verna ang cellphone kay Rosie, "Kausapin ka daw ni tita mo."

Napalunon si Rosie, she was damned scared. Ito ang nagbabalak pumatay sa nanay ko, she thought. Napatingin si Rosie sa may hagdan, nakita niya si Christine na naka-upo sa isa sa mga steps doon, tahimik at nakatingin sa kanya.

"Hello?" nanginginig na sabi ni Rosie, "Opo, ako nga po."

"I am going there sa inyo, do you want anything? I can buy you some toys or coloring books. Tell me, barbie? My little pony? Ano pa ba?" wika ni Allison.

Rosie looked at her mom na para bang nanghihingi ng sagot. Verna smiled at her and mouthed, 'Go on'

"I want... Hello kitty coloring book," sagot ni Rosie, "And a hello kitty stuff toy."

"Okay! Hello kitty stuff toy and coloring book. I'll give it to you later pagkaratong ko d'yan. Be a good girl, okay? See yah!" wika ni Allison.

The call went dead. Ibinigay ni Rosie ang cellphone sa kanyang nanay. Rosie shivered when she saw Christine behind her mom, crying. Hinawakan ni Rosie ang kamay ni Verna.

"Mom we need to leave!" sigaw ni Rosie, "Tita Alli is going to kill you!"

                            ***
Inayos ko ang buhok ko papunta sa side. Damn, You look so cute Ashton, sabi ko sa sarili ko. Kinalabit ko ang natutulog na si Fred, nakatulog na siya sa harap ng computet sobrang pagod kahahanap pa ng ibang detalye tungkol kay Christine.

"Fred? Fred, gising. Fred? Fred?" sabi ko habang kinakalabit siya.

"Fred, gising. Kailangan kita. Fred? Fred? FRED!?" sigaw ko.

"Ooh? Ano ba?" wika ni Fred sabay hikab at stretch.

Hinila ko ang isang upuan at iniharap ito sa kanya. Umupo ako doon at tiningnan si Fred diretso sa nagmumuta nitong mata, kadiri.

"Fred, you are not going to believe what had happened to me habang papunta ako kila Rosie," sabi ko sa kanya.

Humikab ulit si Fred, "Uh-huh?"

"Hindi ako pinapasok ng guard," sabi ko.

Nanglaki ang mga mata ni Fred, "Aba! Natural! Bobo ka ba? Hindi kana man tiga-doon e."

"Na-bobo pa ako," mahina kong bulong.

"Kaya nga dapat ang ginawa mo palihim kang pumasok doon," sabi niya, "You know? Parang ninja."

"Paano pag nahuli ako?" sabi ko.

"E 'di dadalawin kita sa kulungan."

Binatukan ko si Fred, "Loko ka talaga! Alam ko na, samahan mo ako."

"What? Ayoko nga! Paano pag nahuli ako doon? Mabagal pa naman ako at... Mataba," paliwanag ni Fred.

"E 'di makukulong ka," sabi ko ng natatawa, "Pero syempre hindi ko 'yun hahayaan so, tara na."

Someone Save Rosie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon