EPILOGUE

933 26 5
                                    

Epilogue:

"I'm sorry lagi kitang binu-bully. Nakakainis kasi 'yang mayabang mong mukha e," sabi sa akin ni Samantha, ang babaeng sinapak ko.

Nakaupo kami sa bench sa may rooftop ng building namin sa school. Lunch break kasi, actually bawal talaga pumunta dito pero dahil sa pasaway ako kaya ako nandito. Sinundan naman ako ni Samantha, nakakatakot akala ko gaganti siya sa akin o kung ano pero mukhang nagso-sorry lang naman siya sa akin. 

"Uhm, kasi ang lampa lampa mo. I mean, lagi kang mukhang hindi lalaban kaya naman lagi kitang inaasar. Ang tahihimik mo kasi..." napahinto siya at tumingin sa langit, "Kaya nacu-curious ako sayo! Gusto ko sanang makilala ka pa lalo kaso naiinis ako sa sarili ko. Ewan ko ba! Basta naiinis ako sa mukha mo na nacu-curious ako sa ugali mo!"

I sipped my orange juice. Akala ko magiging invisible ako dito sa school, 'yung walang papansin sa akin kapag tumahimik lang ako. Turns out may isang babaeng bully pa pala ang magkaka-interes sa akin. Hindi ko siya tinitingnan, ayokong tumingin sa kanya. I'm bad at making eye contact. Nakatingin lang ako sa langit habang siya nag-e-explain.

"...Siguro hindi ka nakikinig sa akin. I'm sorry, sa lahat ng ginawa ko. I'm sorry. Ang sakit naman hindi mo ako pinapansin," sabi niya, "Hay, aalis na lang ako. Pero bago iyon..."

Nagulat ako ng bigla-biglaan niya akong hinalikan sa labi. Nanglaki ang mga mata ko. Shit, first time ko ito. Sandaling halik lang iyon. Bigla siyang tumayo sa harapan ko. Maluluha-luha na siya at pulang-pula ang mga pisnge niya. Bigla ko namang narinig ang malakas na bukas ng pinto at kasabay non ang malakas na sigaw...

"ASHTON?!" sigaw ni Fred

"Ba-bye!" sabi ni Samantha sabay takno palabas ng pinto ng rooftop.

Tumakbo sa akin si Fred. Hingal na hingal siya at pawis na pawis. Hinila niya ang kwelyo ko at sinigawan.

"Nababaliw ka na ba?! Bakit ka pumayag na halikan ka ng babaeng iyon?! Yucks!" sigaw niya sa mukha ko.

"Ano ka ba?! Parang may choice ako?! BIgla niya 'yung ginawa! Ayoko naman e! Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa kanya.

Binitawan naman niya ako. Tiningnan ko siya ng masama at tiningnan niya rin ako ng masama. Bigla niya akong hinalikan.

"WHAT. THE. FUCK," sabi ko sa malalim ngunit malakas na boses, "WHAT. THE. FUCK. DID. YOU. FUCKING. DO?"

Dumura ako ng dumura sa gilid habang siya tuloy-tuloy sa pagso-sorry at tawa. Akala niya ba nakakatawa?! Shit! Dalawang tao at isang aso na ang humalik sa akin ngayong araw! Nababaliw na ba ang mundo?

"HAHAHAHA! SORRY NA PRE HAHAHAHA!" tawa niya.

Namamatay na siya sa kakatawa habang ako ito galit na galit pa rin. Napaupo na lang ako sa bench at pinangmumog 'yung orange juice ko. Kadiri itong mga taong ito! Umupo si Fred sa tabi ko at ngumiti.

"Buti naman tapos na ang lahat," wika niya.

Alam ko agad kung anong tinutukoy niya. Iyon 'yung mga pangyayari sa pamilya ni Rosie. Isang buwan na rin ang nakakaraan ng magpasya silang umalis na sa bansa. Para magsimula ulit, ngayon ang flight nila. Mamimiss ko sila.

"Oo nga e," sagot ko.

Inalagaan na ng mga pulis ang mga pangyayari sa lugar. 'Yung mama ni Tita Alli tuloy-tuloy ang paghingi ng tawad kila Tita Verna ng magkita sila. Masaya ako at okay na lahat. After one week nga sumulat sa akin si Rosie ng letter na siya namang hinatid sa akin ng mama niya, nahihiya daw kasi sa akin. Sabi niya sa sulat, hindi na daw nagpapakita si Christine sa kanya matapos 'yung mga pangyayari sa may bahay. 

"Oo nga pala pre, may pinapabigay sayo si Tita Verna galing kay Rosie," wika ni Fred.

Inabot niya sa akin ang isang pink na envelope. Binuksan ko ito at sa isang piraso ng pink na papel nakasulat ang mga katagang...

Kuya Ashton, siguro ito na po ang last na letter that I will give to you. Matatagalan pa siguro ang next one. But, I really wanted to tell you that... >//////< Kuya! I love you! >////< Kuya you're so cute! Kyaaaa! >////< 'Yun  lang po! mwa~ :*

"Pabasa! Pabasa!" sigaw ni Fred.

Natulala ako at inabot ko sa kanya ang papel. Nakakashock ito, dinigest ko lahat ng nakasulat doon.

"WHAT THE HEEEEEEEEEEEEELL!" sigaw ni Fred sabay kusot ng papel.

Inagaw ko ito agad at pinigilan siya, "Hoy ano ka ba?! Akin na nga 'yan! Itatago ko 'yan!"

"Para saan pa?! Luma-love life ka! Ako lang okay na 'di ba?!" sigaw niya sa akin.

Ibinulsa ko ang papel at ang sobre, "Oo naman, haha."

"E 'DI ITAPON MO NA!" sigaw sa akin ni Fred.

"Ayoko!" sabi ko, "Kapag bumalik ulit siya dito. Kapag dalaga na siya, gusto kong ipakita sa kanya ito. Gusto kong makita ang reaksyon niya."

Tumawa ako ng pang evil laugh. Pero swear hindi ko 'yun inaasahan. Kaya pala malayo siya sa akin, ang cute niya! Mga bata talaga oh. At ang isa pang bata... napatingin ako kay Fred na nagsisigaw sa may railings ng rooftop.

Napatigil siya ng bigla naming narinig na bumukas ang pinto ng rooftop. Ang principal pala!

"THE TWO OF YOU! NOW SA PRINCIPAL'S OFFICE!" sigaw sa amin ng principal.

Nagtinginan kami ni Fred at sabay na sumigaw ng, "TAKBOOOO!"


---

A/N:

Hi guys! Thank you for reading this story! Please try to read my other stories to and follow me :) XOXO

Please comment below if you love this story and give it a vote! Thank you! <3

Someone Save Rosie (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon