Chapter Four:
"So, is it true Ashton that you've punched Samantha straight in the face?" pagka-clarify ni Mrs. Santiago, ang principal ng Roseanton High kung saan pumapasok si Ashton.
Ashton looked at his cold sweated hands. He hates consequences, he hates interrogation and he hates people who questions you even though they already know the answer. It's some sort of making you feel dumb and making the questioner superior.
"Yes po Ma'am Santiago," he answered.
Mr. and Mrs. Benedicto, parents of Samantha groaned when they heard Ashton. Magkahalong inis at gigil ang nararamdaman nila. They also felt sorry for Ashton, alam nilang mabigat-bigat ang matatanggap nitong parusa.
Napailing-iling ang principal, "You also broke her nose and screamed on top of your voice a very... Very... Bad word."
All eyes were focused on Ashton including his grandparents who are dressed well. He felt uneasy, he felt that all the people in the room were judging him. Namula si Ashton at napayuko.
"Dahil sa mga nangyari, Mr. And Mrs. Leniega I'm afraid I have to suspend Ashton. Actually, magaan na nga ang parusa na ito," wika ng principal, "Nakiusap kasi si Mr. And Mrs. Benedicto na kung maaari ay babawan na lamang ang parusa. Ayaw nilang magkagulo pa at magkaroon ng usap-usapan sa mga nangyari."
Parents of Samantha nodded in agreement. Ang grandparents naman ni Ashton ay naiwang walang choice kundi pasalamatan ang magulang ng batang babae. Ashton bit his lower lip in anger. Naisip niya na parang utang na loob pa nila ito sa pamilya ni Samantha. The bitch deserves the broken nose, he thought.
"For one week, aasahan naming hindi muna namin ikaw makikita dito sa school Ashton. Maybe you could use that time to reflect on what you did," sabi ng principal.
"Bibigyan talaga namin ng extrang oras itong si Ashton para bantayan at bigyan ng pangaral. Minsan talaga sakit ng ulo itong si Ashton," wika ni Mabelle.
"Tama, pasensya na kayo Mr. At Mrs. Benedicto," dagdag ng lolo ni Ashton.
Tumango naman ang magulang ni Samantha. Matapos ang ilang pag-uusap ay lumabas na sila ng office. Umuwi ng tahimik ang pamilyang Leniega. Nag-soundtrip naman si Ashton habang ang lolo niya ay nagda-drive ng luma nilang sasakyan at ang kanyang lola naman ay nakatingin sa labas.
Agad na sinalubong si Ashton ng kanyang alagang si Max pagkarating sa bahay. Niyakap niya ito at kinamot-kamot. Tuwang-tuwa naman ang aso. Wala pa ring sinasabi ang lola't lolo ni Ashton dahilan para kabahan siya. Pumasok lang sila sa loob ng bahay at naiwan si Ashton at ang kanyang alaga sa labas.
"Tara Max, maglakad-lakad muna tayo," aya ni Ashton.
Tanghali na at matindi ang sikat ng araw ngunit wala sa isip ni Ashton ang umuwi at magpahinga. Ayaw muna niyang makita ang problemadong mukha ng lola't lolo niya. Napailing-iling naman siya ng maisip niyang mukhang tinatakasan nanaman niya ang kanyang problema.
"Mom, I swear! Dito ko lang po 'yun nilapag! Tapos ayun! Wala na," wika ng isang batang babae sa kanyang mama.
Nakarating na sila Ashton at Max sa park ng hindi nila namamalayan. Maraming naglalarong bata at ang dami ring asong naglalakad kasama ang kani-kanilang amo.
"Mommy! Makinig ka po please? Hindi pwedeng mawala iyon," pagmamakaawa ng bata.
Mahaba at straight na kulay itim ang buhok ng bata. Maputi ito at payat, maliit lamang ito ngunit cute. Kasama naman nito ang kanyang nanay na hindi nagkakalayo ang itsura sa kanyang anak. Napangiti si Ashton at naalala niya ang kanyang sariling ina. He drew out a breath, and decided to go home.
BINABASA MO ANG
Someone Save Rosie (COMPLETED)
Horror"Because sometimes imaginary friends needs you for their unfinished business." Hindi makapaniwala si Ashton ng mabasa niya ang isang talata mula sa isang diary na inuwi ng kanyang asong, si Max. Palala ng palala ang mga nakasulat dito hanggang sa na...