Chapter 3: The Gang

734 26 2
                                    

Media on top: Cheska's shocked look along with her owl-looking eyeglasses.

Cheska:

"Mukha ba talagang abaka fiber ang buhok mo?"

Nasa comfort room kami ngayon ni Sasha. Newfound friend ko. Yung seatmate ko kanina. Pinahiram niya nga pala ako ng extra niyang damit. Well, at least.. kahit judgmental din siya, at least mabait. At tsaka totoo naman talaga yung mga sinasabi niya. Napatingin ako sa buhok ko and I grunted.

Mukha ngang abaka!

"Thank you sa compliment ah."

Lumabas ako sa cubicle at naabutan ko siyang pinapakealaman ang bag ko.

"No prob. Uy Cheska, ano ba naman tong make up purse mo.. Lipgloss lang at pressed powder ang laman! Kalurks ka naman oh."

I just pouted tapos ipinusod ko ang buhok ko.

"That's all I have. Use yours then."

"Well unfortunately, someone messed up with my make-up kit. Totally destroyed it. So I need to buy new ones."
So hindi lang naman pala ako ang may First day, hell day dito sa Aspencart. Biktima rin pala siya.

"Tara na. Nagugutom na ako."

Lunchbreak na din kasi namin kaya napag isipan ko ng magpalit. Kanina pa akong pinipilit ni Sasha na magpalit na dahil baka sipunin daw ako at konsyensya pa niya kapag namatay ako. Ang OA lang. Kaso nakinig ako ng mabuti sa lecture kanina kaya tinamad na akong magpalit.

"Lalabas kang ganyan?"

I checked myself first in the mirror bago ako umalis. Hmm.. okay naman ah?

"Alisin mo yang pagkakapusod sa buhok mo. Mukha kang matandang dalagang librarian. Mag lipgloss ka din. Para may silbi din yung lipgloss mong colorless."

Para kang si mama!

****************************************

Justin:

"Hahaha. Nakipag sex ka pala sa elevator! Hahahaha! Lakas ng tama ng babaeng yun ah!"

"Maganda ba? Reto mo naman ako oh. Tigang na ako eh."

"Waaa! Kakaano niyo palang ni Gelai kanina ah, tigang agad? Lupet mo talaga pre!"

Nasa caf kami ngayon. Usual table, usual silly doings with the gang. Yun nga lang wala si Lance. He graduated last year.

"Mga gago!"

Sinabayan ko na rin sila.

Seeing the gang still intact kahit wala na yung big boss namin.. makes me feel contented. Sa kanila ko na nga lang nailalabas ang tunay kong ugali eh. So I don't want to lose them. Bestfriends? No, more like family.

"Anong itsura niya? Pang ulam ba?"
Syempre si Kyle yan. Kapag mga usapang babae, Kyle yan.

Inalala ko yung mukha ng kapatid ni Lance na I heard, Cheska daw ang pangalan.

"She's fair, tall, nerdy looking pero arogante at mayabang, mahilig mag-pout at palaging nakakunot ang noo. Oh, and.. she's fierce looking. Parang palaging manununtok."

I looked at their shocked reactions.

What? Pumasa ba siya sa standards nila para mapanganga sila ngayon? Tch. Yon?! Suplada yun eh.

"Base sa description mo, parang matagal mo na siyang kilala dahil alam na alam mo ang bawat features niya. Pati mga mannerisms alam mo.. O sadyang stalker ka ni Cheska Lee?"
The decent talker and prangka ultimatum sa gang, Chris.

Expect The Unexpected(Season 1) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon