Chapter 6: Rivalries

567 20 0
                                    

(A/N: Hindi ko na po lalagyan mg media sina Kyle, Vitto, Chris and Lance. May side story din po sila. Gagawan ko agad pagkatapos kong matapos ang book 1 nito. Yun lang po.

Enjoy reading!)

Cheska:

Ngayong hapon, nagkaroon ng meeting sa gymnasium para daw sa manner ng pag eelect ng mga club officers. Since nandun na kami sa gymnasium at kahit iika ika dahil sa kagagawan ni De Vera, I still managed to listen to the speaker.

Pareho din naman ang manner ng pag eelect dito sa nakasanayan ko. People's choice, malamang. Ang pagkakaiba lang, hindi siya gaganapin simultaneously. Wala rin silang rule na kung President ka na sa isang club, hindi ka na pwedeng ma-elect as President up to Secretary sa ibang clubs. Wala silang ganun.

Kahit mag President ka sa lahat. Edi mabuti. Uubusin ko lahat ng clubs. Bwahahaha!

"Saan tayo?"
Tanong ni Sasha habang kinakalabit na ang kamay ko.

"Math club."

  Agad naman naming nahanap yung Mathematics Department. Akala ko dagsaan ang tao pero kokonti lang ang nandito.

"You go na. Magchecheer lang ako."
Sasha said.

Pumasok naman ako. Naupo ako sa unahan. May iilang estudyante din naman dito, ang kaso nagbubulungan. Alam na, judge here, judge there, judge everywhere!

  After 30 mins.

"Hindi pa ba tayo magsisimula? Wala na rin sigurong darating pa. Mag elect na tayo."

Tanong ko sa babaeng nasa right side ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala naman talagang darating kasi may na-elect ng President. Siya ng bahala dun. Duh."

Inirapan niya lang ako sabay nag flip ng buhok. Ako naman naiwang nakanganga.

"Ano? Ang dali naman! Hindi naman ako na-late ah."

She gave me same look she did earlier.

"Still don't know the tradition? Justin is always the President dahil siya ang pinakamagaling. He can do all great things a club adviser could ask for. Kahit siya lang mag-isa, kaya niya. So, there's no need for an election. Para din naman to sa School. So huwag ka ng mangarap na maging officer. Isa ka lang hamak na geek."

Napanganga ulit ako. This time, mas malaki na. Pwede ng airport ng mga lamok. Di joke.

I looked behind and I saw Sasha.

I went up to her. Na nakanganga parin. Aish!

"Oo nga pala. I forgot the tradition. Sorry."

"Tradition? What the hell is that?! Hindi yun pwede! Ano siya, diktador? Democratic country to noh! Kailangan marinig ang desisyon ng taong bayan! Hindi ito maari!"

Napailing naman si Sasha.

"Ah basta, pupunta tayo sa principal's office para magreklamo! At sasamahan mo ko!"

I grabbed Sasha's arm at dali daling pumunta sa Principal's office.

Bumitaw naman si Sasha.

"Oy Cheska, seryoso ka ba? Nakakahiya kaya."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Kailangan nating ipadama sa kanila ang damdaming makabayan!"

*PAK!*

"Ano ka, Corazon Aquino? Anong gusto mong mangyari? People power revolution? Kahibangan mo Cheska."

Hindi ko siya pinansin. Pumasok na ako sa office. Magkamatayan na kung magkamatayan! Hindi ako uurong sa labanan! Neverrrrrrrr!

Expect The Unexpected(Season 1) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon