Chapter 43: Her Savior

287 11 3
                                    

Cheska:

Day 12 na namin ngayon sa Catanduanes. So far, marami na ring napuntahan na lugar si JJ. Marunong na rin siya ng mga gawain ng mga probinsyano. Nangisda na siya, nagtanim at nag-araro, nangaso, nagtinda sa palengke, nag-harvest ng mga prutas at marami pang iba. Mukha ngang enjoy na enjoy na siya.





Si Sofia naman, nag-iimprove na. Yung dating umaabot ng 100 reklamo sa isang araw, 50 na lang ngayon.





At ako, masaya din naman. Masaya na ako kapag nakikita kong masaya si JJ. Kahit pa sabihin nating going strong sila ni Sofia, wala na rin naman akong magagawa. Mahal siya ni JJ eh. Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao.. matuto kang mag let go. Siguro nga tama si Elyza, mahirap ng mapasakin uli si JJ. I broke his trust. Siguro hindi na mababalik yun. Now that he has Sofia.





Siguro nga kailangan ko na siyang i-let go. But for now, hindi ko pa ata kaya. Bahala na si life.








Ngayon, nandito ako sa seawall. Savoring the sea breeze on my damp hair while watching the breathtaking sunset. Ang dagat nalang ang nagpaparamdam sakin na magiging okay din ako. Malalagpasan ko rin to.

"Cheska!" Napalingon ako at nagulat sa nakita kong lalaking naka jersey shorts ngayon at sandong puti. His skin is slightly tanned dahil na siguro sa pagbabad sa araw. Tapos ang buhok niya naman, nakatali. Apple hair ovo.




JJ.

"Bakit po Sir?" JJ bakit? Nag away ba kayo ni Sofia? Narealize mo ba na hanggang ngayon ako parin ang mahal mo? Napapagod ka na bang magpanggap na si Sofia ang mahal mo at hindi ako? Babalikan mo na ba ako?

"Hoy. Kinakausap kita."

Napatikom ang bibig ko na kanina pala ay nakanganga. Grabe. Nagcharades na naman ako. Nakakahiya.

"Ano ho yun Sir?"

He glared at me.

"Yung contract nga ng immersion ko. Asan?"


"Nasa bag ko po sir. Teka po, kukunin ko lang.."
Lalagpasan ko na sana siya ng hinigit niyang kamay ko.




Justin:

Di ko alam kung anong nag udyok sakin para pumunta sa seawall. Nakahiga ako kanina sa duyan habang nagpapahinga pero nang makita ko si Cheska sa seawall, agad akong napatayo at sumunod sa kanya.

I even invent my stupid excuse para lang may mapag usapan kami. Actually, hindi ko naman kailangan ang kontrata ng immersion ko dahil ilang beses ko ng nabasa yun. Shit. What the fuck am I doing?!






Nang paalis na siya para kunin ang kontrata, nabigla ako ng automatic na hinigit ko ang kamay niya.

Nilingon niyang una ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Fuck! Bakit parang pinagpawisan ako nung hawakan ko ang kamay niya?! Bakit parang gusto ko siyang yakapin at halikan ulit? Tangina Justin. Niloko ka niya. Let go of her hand.

"Sir?"
Nakatingin na siya sakin ngayon. Di ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o ano. Shit Cheska! Ano nanaman bang ginagawa mo sakin?! Ba't ako nagkakaganto?! Fuck!

"Uhmm.. ah.. ano kasi.." Tangina Justin! Ano na?! "Hanapan mo ko ng roses para kay Sofia. Red."

Tumango siya at tumalikod na paalis.

But I heard her sniff. I didn't hesitate to grab her by the waist and kiss her on the lips.

It's like what I've wanted to do when I saw her again. Yung lips na matagal na panahon ang dumaan bago ko mahalikan ulit. Her lips that makes me crave for more. Yung babaeng minsan na akong niloko pero hanggang ngayon mahal na mahal ko parin.

Expect The Unexpected(Season 1) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon