Chapter 4: The Girlfriend

654 26 0
                                    

Media on top: Nadine Dela Vega.

Justin:

"Hahahahahahaha!"

Nasa kotse kami ngayon ni Vitto. Uwian na namin. Hindi parin ako tapos tumawa.

Cheska the owl from MIT.

"Bwahahahahaha!"

*PAK!*

"Aray naman Chris."
Napahawak naman ako sa ulo ko at minasahe ito ng kaunti dahil malakas ang impact ng pambabatok ni Chris.

"Kung gusto mo si Cheska, baguhin mo yang moves mo. Nakakasakit ka. Pinapahiya mo pa. Mas lalo kang aayawan nun."

Banat ni Chris.

Wtf? Gusto agad? Diba pwedeng trip ko lang siyang pagtripan? Hahaha. Ang saya ko pag nagagalit siya eh.

"Lul! May Nadine na yan si Pareng Justin.. JJ pala. Hahahahaha!"

JJ? Fuck! Isa pa yan. Walangyang Cheskatot yun. Ang pangit pangit ng nickname saken. Pang bakla. Kadiri. Tch.

"Nadine daw. Psh. Di ka pa nga naka-score dun eh. Two years na kayo, ni kiss wala pa rin. Bigti na Justin!"

Ah yeah. May girlfriend nga pala ako. I almost forgot, Nadine Dela Vega.
Oh, eh ano naman ngayon kung di pa kami nagkikiss? Ang manyak manyak talaga ni Kyle. Kapag ganyang mga usapan ora orada.

"Tch."
I reacted casually.

Nagseryoso silang lahat. Alam kasi nilang kapag nagiging casual ako sa kanila, may mali. Sa ibang tao sanay na sila sa pagiging casual ko. Pero pagdating sa kanila, yung tunay na dapat.

Kaya ayan, susuyuin na ako ng mga gago.

"We love you JJ!"

They shouted in a gayish way with their lips pouted. Nakisabay na rin yung napaka disenteng si Chris.

"Fuck that JJ name! Tch."
I scolded them and groaned.

They just turned their backs when my phone rang.

"Yeah?"

I opened the speaker phone. Boss Lance is calling..

Pinakita ko sa tatlo yung caller ID ni Lance kaya nakinig sila.

"Bahay. 8:00."

*toot toot*

He ended the call with just 2 words. Pero alam na namin ang ibig sabihin nyan.

PARTY hosted by Boss Lance.

--------------------------------------

Cheska:

"Inumin mo yung mga nireseta ko ah. Every 8 hours. Huwag ka ring masyadong magpa stress."

"Sige po doc."

Tumango siya at lumabas na sa pinto. I was greeted by the worried faces of Sasha and Jenna.

Yes, I'm in the school clinic. Yung nadulas ako kanina, hindi naman pala yun dahil sa balat ng saging. Inatake lang daw ako ng migraine at coincidence lang yung pagkatapak ko sa balat ng saging. Hindi naman nabagok ang ulo ko. Wala pa akong amnesia. Tandang tanda ko pa ang kawalangyaan na ginawa sa akin ni JJ. Aaaaaarrrrgggghhhhhh! Papatayin ko talaga siyaaaaaaa! Ipapatorture ko na siya kay James Bond!

"Ano ba naman yan Cheska. May sakit ka na't lahat lahat, nakuha mo pang mag charades. Nakakaloka ka."

Sasha said. Naging showy nanaman ako sa mga hinihimutok ko sa isipan ko kaya mukha akong nagcha-charades.

Expect The Unexpected(Season 1) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon