Chapter 29: The Mysterious Stalker

371 17 0
                                    

Media on top: Wallpaper ni Cheska.

Cheska:

"Question # 23, Who is the author of The Hunchback of Notre Dame?"

Nasa English Department building kami ngayon. Literary Quiz daw.

Sasagot na sana ako sa papel ko nung hinalikan ako sa pisngi ng katabi ko.

"JJ! Makita tayo ni maam."
I said through whispers.

"Ssh. Di yan. Nasa likod naman tayo."
He said then he winked at me. Oo. Siya ang pumili ng pwesto namin. Sa likod daw kami at mangongopya siya sakin. Kita niyo? Top 1 yan ha.

Well actually, magaling naman talaga si JJ. May stocked knowledge na siya. Ako kasi, kailangan ko pang mag aral ng nakakaloka. Siya, easy easy lang.

"Aish! Nakalimutan ko tuloy yung sagot."
Himutok ko. Isa pang problema yan sakin. Madali akong makalimot,

Ng sagot. Kapag may umiistorbo sakin.

"Victor Hugo."
Sabi ni JJ. Aba, mabuti. Nagcontribute ka rin.

Pero habang sinasabi niya yan, he's kissing my hand. Nakakaloka.

"Times up! Papers out."

Kinuha na ng collector ng quiz papers yung papel namin. V palang ang nasusulat ko dun.

Geez.

"Uy. Wala akong sagot. Ikaw?"

"Meron." I groaned when I hear his reply."Cheska De Vera ang nilagay ko dun."

Napailing naman ako. Baliw to.

Pero nakakakilig.

Hanggang umabot na sa last question.

"Which William Shakespeare work consisted of fairies, magical creatures and love spells?"

*bzzzzzzt bzzzzzzt*

Napatingin kami ni JJ sa phone ko sa ilalim ng mesa.

Kinuha niya yun para tingnan kung sino yung nagtext.

Ako naman nag iisip ng isasagot. Naku! Istorbo ka talaga De Vera. Nakalimutan ko nanaman. Nabasa ko na yan eh. Swear.

Urgh. Focus Cheska, focus.

"In fairness, may taste ka pagdating sa wallpaper."
Sabi niyang ngising ngisi.

Pagtingin ko sa screen, nakita ko yung picture niyang nakabungisngis.

Sa China yun. Noong namamasyal kami. Stolen picture niya.

Hindi ko na siya pinansin because time is running.

"Uy anong sagot?"
Tanong ko kay JJ.

Nakangisi parin siya habang pinagmamasdan ang picture niyang wallpaper ko sa mobile phone ko.

"JJ!"

Sa wakas naman napansin na ako.

"Ha? Ano bang tanong?" He asked habang ibinabalik ang phone sa ilalim ng desk.

"Yung--"

"Times up."
Kinuha na ng collector ang papel namin.

Bokya ang papel ko. Sa kanya, Ikay ang laman.

Natapos ang Quiz ng nakabusangot ako.

"JJ kasi. Di tuloy ako nakasagot."

Papunta na kami sa room namin. Few blocks away lang naman mula dito sa English Department Building.

Expect The Unexpected(Season 1) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon